• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aminadong ‘di talaga pang-showbiz: Rep. CAMILLE, isa rin sa na-hook at umiyak sa ‘Queen of Tears’

AMINADO si Las Piñas Rep. Villar na hindi updated sa balitang showbiz, kaya siya raw makikitsismis, say niya sa mga nakatsikang press sa um-attend na pinatawag na get together.

 

 

Pero in na in siya sacsikat na Korean series, na tulad ng mga stars ay hook na hook rin siya sa panonood ng pinag-uusapang ‘Queen of Tears.’

 

 

“Grabe ang iyak ko sa series na yan,” pag-amin pa niya.

 

 

Sa getting to know segment sa pamamagitan ng isang game, isiniwalat ni Rep. Camille na big fan siya ng Korean actor na si Hyun Bin ng ‘Crash Landing On You’, trip din niya ang songs ni Taylor Swift, and fave actress din niya si Jennifer Aniston na nakilala sa TV series na ‘Friend’ na, soon daw makaka-collab ng Coffee Project, para sa merchandise.

 

 

Noong 2012, isa siya sa co-host ni Willie Revillame sa ‘Wil Time Bigtime’ na naging ‘Wowowillie’ noong 2013.

 

 

Kahit may experience na siya sa hosting, hindi niya itinuloy ang pagso-showbiz.

 

 

“Showbiz requires talent, and I don’t have that. But that was a wonderful experience. That show brought me closer to people. But I saw myself in business and public service.

 

 

“Public service has always been a part of our family’s legacy. My lolo was the congressman of Las Pinas. My mom and dad were in politics, and I was always interested in it.

 

 

“But as a student at Ateneo, I thought I would just be involved in my private life. Never in a million years did I think I would host a television show, and I did. So you’ll never know. Never say never,” pahayag ng mommy nina Tristan at Cara.

 

 

Samantala, nag-akda si Rep. Camille Villar ng dalawang panukala sa House of Representatives para sa karagdagang social safety nets para sa mga peryodista at seed fund na magbibigay sa local movie industry ng pondong pamprodyus ng world-class films.

 

 

Sa panukalang House Bill No. 6543, hangad ni Villar na bigyan ng “disability, health, and hospitalization benefits” ang mga practicing journalist.

 

 

Minamandato ng panukala ang Social Security System at ang Government Service Insurance System na lumikha ng special coverage para sa freelance journalists, lalo na sa mga naka-assign sa war zones, conflict-stricken areas, at calamity-affected places.

 

 

“Mahalagang pangalagaan ang mga mamamahayag, lalo na yung mga naka-assign sa mga delikadong lugar. Itinataya nila ang kanilang buhay para makapagbigay ng napapanahong balita para sa mga Pilipino kung kaya’t nararapat lamang na bigyan natin sila ng proteksyon at dagdag na benepisyo para sa kanilang sakripisyo,” ani Rep. Villar.

 

 

Nagpasa rin si Rep. Villar ng House Resolution No. 451 na bubuo ng “seed fund o karagdagang pondo sa local movie industry para maengganyo ang filmmakers makagawa ng quality films na pweding ilaban sa international arena.

 

 

Sa nasabing proposed legislation, bibigyan pamahalaan ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng pondong susuporta sa industry stakeholders para bumuo ng bagong marketing strategies para mas patindiin ang tsansa ng Pilipinas na muling kilalanin sa international film festivals.

 

 

“Makakuha man lang ng nomination, o manalo, o masali sa shortlist ng foreign award-giving bodies tulad ng prestihiyosong Oscars ay lalong magpapatibay sa reputasyon ng Pilipinas bilang bansa ng world-class talents at quality movies, na magbubukas ng dagdag na employment at livelihood para sa mga Filipino,” ani Rep. Villar.

 

 

Parehong nakapending ang dalawang panukala sa committee level.

 

 

Bukod sa pagiging public servant, si Rep. Villar din ang President at CEO ng AllValue Holdings Corporation, na retail arm ng Villar Group of Companies na namamahala sa AllDay Supermarket, AllHome, at Coffee Project, na pinrangalan na para sa papel niyang ito.

 

 

Noong 2022, iginawad ang Stevie Awards for Women in Business in Las Vegas sa AllHome Builds at ang Bronze Award for Community- Involvement Program of the Year para sa Women-owned o Women-led Organizations.

 

 

Pinaranangalan din si Rep. Villar bilang Government Hero of the Year para sa kanyang ginawa nu’ng panahon ng COVID-19 pandemic.

 

 

Kinilala rin siyang Female Executive of the Year, Silver Awardee in Asia, Australia, at New Zealand para sa kanyang expertise bilang president and chief executive officer of AllValue Group.

 

 

Kamakailan, kasama si Rep. Villar sa paglulunsad ng partnership ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at ABS-CBN Corporation.

 

 

Ang nasabing partnership ang maghahatid ng up-to-date news at entertainment programs sa Filipino audiences via ALLTV na available sa Channel 2 free TV, cable, at satellite TV sa buong bansa.

 

 

Nakamit ni Rep. Villar ang kanyang MBA mula sa IESE (Instituto de Estudios Superiores de la Empresa) Business School sa Barcelona, Spain, isa sa pinakamahusay na business schools sa buong mundo. Nagtapos siya ng Business Management sa Ateneo de Manila University.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PNP trucks, choppers at speedboats naka-standby na para sa Covid-19 vaccine delivery – PNP chief

    Inalerto ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang apat na Helicopter PNP Special Action Force at 200 speedboat ng PNP Maritime group para gamitin sa paghahatid ng bakuna sa munisipyo sa labas ng Metro Manila.     Ayon sa PNP Chief, ito’y alinsunod sa direktiba ni DILG Sec. Eduardo Año sa PNP na tumulong sa […]

  • ‘Everything Everywhere All At Once’, big winner sa 95th Academy Awards: MICHELLE YEOH, first Asian na manalo ng Oscar best actress at best actor si BRENDAN FRASER

    ANG trippy multiverse dramedy na Everything Everywhere All At Once ang tinanghal na big winner sa 95th Academy Awards dahil sa paghakot nito ng 7 awards.     Napanalunan ng naturang pelikula ang Best Picture, Best Director (Daniel Kwan and Daniel Scheinert), Best Actress (Michelle Yeoh), Best Supporting Actor (Ke Huy Quan), Best Supporting Actress […]

  • LeBron James isa ng part-owner ng Boston Red Sox

    Isa ng part-owner ng baseball team na Boston Red Sox ang NBA star na si LeBron James.     Nakuha niya ang shares nito sa pamamagitan ng pagbili sa Fenway Sports Groupo ang parent company ng koponan at ilang sikat na sports teams at kumpanya.     Hindi naman binanggit ng kumpanya kung magkano ang […]