• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aminadong magiging spoiler na lola: SYLVIA, super excited na sa pagdating ng kanilang ‘little Boss’

SOBRANG excited na ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa paglabas ng panganay na anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

 

 

 

Aminado naman ang aktres na baka raw maging spoiler siyang lola.

 

 

 

Ibinahagi nga ni Ibyang sa kanyang social media accounts ang ilan sa kaganapan sa Hong Kong trip ng pamilya Atayde.

 

 

 

Makikita ang mga larawan na kuha sa HK kasama si Papa Art Atayde, ang bunso nilang si Xavi Atayde, ang kanyang son-in-law na si Zanjoe at si Ria na kitang-kita ang lumalaking baby bump.

 

 

 

 

Caption ni Sylvia, “Excited for the arrival of our little Marudo.

 

 

 

“Final trip for Mommy @ria before she embarks on motherhood full time,” dagdag pa niya.

 

 

 

Isa sa mga nagkomento sa post ay ang anak-anakan ni Ibyang na si Ice Seguerra.

 

 

 

Komento ng OPM Icon, “Yeyyyy! Parang mas excited ka pa kay Ria, Nay.”

 

 

 

Na sinagot naman ni Sylvia, “Oo nak. Parang ako ang Nanay. ahahaha! May pamangkin ka na sa mga kapatid mo.”

 

 

 

Sa isa pang Facebook post ni Sylvia, tila inaasar naman niya ang buntis na anak, “Hahaha Mahina ang radar mo at naisahan ka naming tatlo. We love you Buntis Potpot.

 

 

 

“Next travel kasama na mini me niyo ni @onlyzanjoemarudo excited much si Mommyla at si popsy sa pagdating ni little Boss,” sabi pa ng aktres.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Active COVID-19 cases sa NCR nakikitang papalo sa 58-K sa katapusan ng Setyembre

    Binago ng Department of Health (DOH) ang kanilang COVID-19 case projections para sa National Capital Region (NCR).     Ayon kay Health Under­secretary Maria Rosario Vergeire, patuloy na kumakalat ang virus pero sa mas mabagal na rate.     Sa kanilang tantiya, maaring aabot ang COVID-19 active cases ng 58,117 pagsapit ng Setyembre 30 bago […]

  • Urban gardening at aquaponics project, inilunsad sa Navotas

    PORMAL na inilunsad ang Bio-diversified Fitness Project ng Bureau of Fire Protection (BFP), Technical Education And Skills Development Authority (TESDA), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Navotas City.     Ito ay isang urban gardening at aquaponics project na naglalayong pagyamanin ang environmental sustainability at magsulong ng healthy and active lifestyle sa […]

  • Face to face classes, aprub sa PTA

    SANG-AYON pa rin ang National Parent-Teacher Association Philippines (PTA) na maipatupad na ang face-to-face classes sa susunod na pasukan, sa kabila nang patuloy na tumataas na mga kaso ng COVID-19 sa bansa.     Ayon kay PTA president Willy Rodriguez, base sa resulta ng isinagawa nilang online survey, 100% ng mga respondents ang nais nang […]