Aminadong nag-try mag-audition sa international movies… AI AI, very blessed kaya ayaw magpaapekto sa isyung binabato sa kanya
- Published on April 21, 2022
- by @peoplesbalita
ITINANGGI ni Ms. Ai Ai delas Alas na kasama siya sa cast ng international movie na dapat sana ay pagbibidahan ni Jokoy.
Pero inamin ng comedy concert queen na nakapag-audition for the said role.
“Nakaabot naman ako up to level 3 ng audition,” kwento ni Ai Ai sa intimate zoom presscon na kanyang ipinatawag noong Martes ng hapon.
Sabi pa ni Ai Ai may manager daw siya sa US na siyang nagla-lineup sa kanya in various auditions. Wala naman daw masama kung subukan niyang mag-try sa auditions.
Excited si Ai Ai sa bago niyang show sa GMA titled Raising Mamay kung saan ang papel niya ay isang ina na nagkaroon ng regression at bumalik sa pagkabata.
“Ang ganda ng kwento. Hindi ko maiwasan na maiyak at times pero siyempre kailangan ko rin mag-concentrate sa role ko. Kung minsan naman natatawa ako sa eksena dahil bata ang role ko pero I have to focus sa role ko,” wika ni Ai Ai.
Sinagot din ni Ai Ai ang issue tungkol sa sinabi sa kanya ni Audie Gemora. Ayon sa kanya, hindi raw siya dapat magpaapekto sa issue dahil very blessed siya.
Hindi siya nagkasakit nang may pandemya. Mababait ang kanyang mga anak at nakatapos ng pag-aaral. Maganda ang takbo ng career niya.
“Isang araw lang naman ang election and after that, balik na uli tayo sa dati kaya huwag na tayong magpaapekto sa politics. After the elections, kahit sino pa ang manalo, magkakaibigan pa rin tayo. Magpasalamat na lang tayo sa blessings ni Lord,” dagdag pa niya.
Sa April 25 ang initial airing ng Raising Mamay at nanawagan si Ai Ai sa mga fans niya na suportahan ang show dahil very heartwarning ito at may kurot sa puso.
***
AMINADO ang award-winning actress na si Glydel Mercado, na inaatake pa rin siya ng matinding kaba kapag katrabaho si Direk Joel Lamangan.
“Hanggang ngayon may nerbyos pa rin ako kay Direk Joel. Reunion project namin ito, kaya kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon. Kaya relax lang direk ha, I love you,” natatawang chika ni Glydel na ang tinutukoy nga ay ang suspense-drama na Fall Guy.
Noong 1999, nakasama si Glydel sa Joel Lamangan movie na Sidhi kung saan naka-grand slam siya bilang best supporting actress.
Sabi pa niya, “Disiplina talaga ang matututunan ninyo kay Direk Joel. Yan talaga ang maipagmamalaki ko.”
Hindi malilimutan ni Glydel ang Sidhi dahil sa inani niyang parangal. Bihirang dumating ang chance na maka-score ng grandslam dahil varied ang tastes ng mga award-giving bodies.
What may be excellent for one award-giving body may not be award-worthy for another. Pero looking back sa grandslam win ni Glydel, memorable ang victory na iyon para sa premyadong aktres.
Kaya naman Glydel is looking forward for the experience na muling sumailalim sa directorial chore ni Direk Joel.
Batid niya kasi he will once again bring out the best in her sa Fall Guy kung saan gumaganap siyang nanay ni Sean De Guzman.
***
LUBOS ang pasasalamat ni Vince Rillon sa panalo niya as Best Actor sa Asian Film Awards para sa Brillante Mendoza film na Resbak.
Katabla ni Vince sa parangal si Christian Bables na winner rin ng Best Actor para naman sa Big Night, kung saan winner din siya Metro Manila Film Festival last December.
Tinanong namin si Vince kung ano ang kanyang pakiramdam sa panalo since ito ang unang major Best Actor award niya na nagmula sa isang prestigious festival.
“First of all nagpapasalamat po ako kay God sa mga blessing na natatanggap ko lalo na po ang pagka–panalo sa Rome, Italy ng best actor and sa aking direktor, manager na si Brillante Mendoza.
“Nagpapasalamat din po ako sa bumubuo ng Team Resbak, sa producer namin Cignal at syempre sa aking pamilya, mga kapatid ko, sa magulang ko para sa kanila lahat ng ito. Gusto ko rin magpasalamat sa aking management team ang Viva Artist Agency sa patuloy na suporta at tiwala,” pahayag ni Vince.
Isa si Vince sa busiest actors sa bakuran ng Viva. Sunud-sunod ang projects niya sa Vivamax kung saan iba’t-ibang klaseng roles ang naibibigay sa kanya.
Very thankful ang binata dahil nahahasa niya ang kanyang acting skills because of the varied roles na sa kanya ay dumarating.
(RICKY CALDERON)
-
Ads August 8, 2023
-
Mapayapa, violence-free polls sa May 9 national at local elections
MULING ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan ang mapayapa at malinis na halalan sa ilalim ng kanyang administrasyon. “Again, it is my commitment to the nation that the elections will be peaceful and free from violence, intimidation of voters. ‘Wag ninyo gawin iyan because I would still be here to oversee […]
-
3K KABATAAN NABAKUNAHAN NA
UMABOT na sa mahigit na sa tatlong libong mga kabataan ang naturukan laban sa COVID-19. Sa datos ng Department of Health, nasa 3,416 na nasa edad 12-17 na may comorbidities ang nabakunahan na sa pilot implementation na nagsimula noong Biyernes Isinagawa ang pilot run ng vaccination sa pediatric group […]