• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aminadong naisip niya noon na mag-suicide: MATT, bumuti ang mental health nang mapasama sa ‘Voltes V’ team

NAGING malaking tulong daw kay Matt Lozano ang mapasama sa ‘Voltes V: Legacy’ para bumuti ang lagay ng kanyang mental health.

 

 

 

Kung noon daw ay naisip pa niyang mag-suicide dahil sa nararamdaman niyang lungkot, ngayon daw ay parati na siyang masaya dahil sa kanyang trabaho.

 

 

 

“This show made me so happy. Makasama ko lang ang Voltes V team at ang buong production namin, masayang-masaya ako parati. I get to be myself and be happy at the same time,” sey ni Matt.

 

 

 

Ang maganda pa raw ay may ibang mga tao siyang napapasaya dahil sa pagganap niya as Big Bert Armstrong.

 

 

 

“There was one time sa isang gasoline station. May lalake na kasing age ng daddy ko ang lumapit sa akin. He was wearing a Voltes V shirt. Sinabi niya na thank you for bringing back my childhood. I never imagined na ang show namin ay naghahatid ng saya sa maraming tao ngayon.”

 

 

 

Sa nalalapit na pagtatapos ng ‘Voltes V: Legacy’, babalikan nga raw ni Matt ang paglikha ng bagong songs dahil inspired siya sa magandang katayuan ng mental health niya.

 

 

 

“I want to make new music. Gusto kong maging productive. I’m inspired with what we did for the past three years. It will be good for me and I want to continue to make more people happy, this time with my music.”

 

 

 

***

 

 

 

TATLO ang anak na lalake ni Michael Flores at wala raw sa kanila ang nagpapakita ng sign na gusto nilang pasukin ang showbiz.

 

 

 

Nakilalang teen heartthrob noon si Michael dahil sa ’90s teen series na ‘TGIS’ kunsaan nakasama niya sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Raven Villanueva, Ciara Sotto, Red Sternberg at Onemig Bondoc. Miyembro rin si Michael ng sikat na ’90s dance group na The Maneuvres.

 

 

 

Sey ni Michael na alam daw ng mga anak nila ni Nina Ricci Alagao (Bb. Pilipinas-Universe 2000) na dati siyang sikat teen actor. Pero iba raw ang hilig ng mga ito ngayon.

 

 

 

“Okey lang naman sa amin ni Nina if one of the boys enter showbiz. Pero mas gusto pa rin namin na mag-concentrate sila sa school. Ako, personally, nakabantay ako sa pag-aaral nila. Gusto namin ni Nina na they get good grades in school. Mas importante iyon kesa sa maisip nilang mag-showbiz sa edad nila ngayon,” sey ni Mike.

 

 

 

Interes daw ng mga anak ni Mike ay ang iba’t ibang sports. Kaya wala pa raw na papalit sa kanya sa pagiging heartthrob sa pamilya nila.

 

 

 

“So far, wala naman sa kanila ang nagpapakita ng interes na mag-showbiz. Kaya ako pa rin ang nag-iisang heartthrob sa pamilya!” sey ni Michael na napapanood sa GMA Afternoon series na ‘The Missing Husband.’

 

 

 

***

 

 

 

PAPUNTA na sa divorce ang pagsasama nila Joe Jonas at Sophie Turner.

 

 

 

Ayon sa report ng TMZ, nakipag-meeting na raw si Joe sa dalawang L.A. area divorce lawyers at malapit na raw itong mag-file ng divorce.

 

 

 

Dagdag pa ng TMZ, six months na raw na may “serious problems” ang mag-asawa. Kahit na nasa gitna ng kanyang tour si Joe kasama ang mga kapatid na sina Kevin at Nick Jonas, nasa kanya raw ang dalawang anak nila ni Sophie at kasama sila sa pag-tour sa iba’t ibang cities sa US.

 

 

 

Hindi nga raw napapansin ng marami na tatlong buwan na raw na hindi suot ni Joe ang wedding rin niya at nabenta na pala nila ang mansion nila sa Miami, Florida.

 

 

 

Taong 2016 noong unang mag-date sina Joe at Sophie na nakiklala dahil sa HBO series na ‘Game Of Thrones.’

 

 

 

Noong 2019 ay kinasal sila sa Las Vegas at nasundan ito ng lavish wedding sa Sarrians, France.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • MAY KAPANGYARIHAN BA ang mga LGU na MANGUMPISKA ng DRIVER’s LICENSE?

    Wala.     Ayon sa DILG ay tanging LTO lang at ang mga deputized enforcers ng Ahensya ang may kapangyarihan na mag confiscate ng driver’s license.     Pero ayon sa Abogado ng Manila ay tuloy pa rin ang pagkukumpiska ng kanilang mga enforcers dahil sa ilalim ng Local Government Code ay may kapangyarihan ang […]

  • Kampeonato sa 10-ball championship, nasungit ni Orcollo

    TULOY ang mainit na ratsada ni 2011 World 8-Ball champion Dennis Orcollo matapos angkinin ang ikalimang korona sa 2020 season.   Naging matibay na sandalan ng 2019 Southeast Asian Games men’s pool singles gold medallist ang karanasan nito para ilampaso si Aloysius Yapp ng Singapore sa finals ng 2020 Scotty Townsend Memorial 10-Ball Championships na […]

  • Babaeng football referee sa Japan labis ang kasiyahan matapos mapili na maging referee sa World Cup

    LABIS ang kasiyahan ni Yoshimi Yamashita matapos na mapili bilang kauna-unahang babaeng professional football referee ng Japan.     Ang 36-anyos na si Yamashita ay napiling magiging referee ng World Cup na gaganapin sa Qatar sa buwan ng Nobyembre.     Kasama nitong napili sina Stephanie Frappart ng France at Salima Mukansanga ng Rwanda.   […]