• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AMO AT MAID, PATAY SA ENGKWENTRO

NASAWI  ang isang kasambahay nang nagka-engkwentro sa pagitan ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) at babaeng amo nito sa Sampaloc, Maynila Lunes ng madaling araw.

 

 

Sa ulat ng pulisya,  naganap ang insidente  dakong ala-1:35 ng madaling araw sa kahabaan ng Mindanao Ave., sa nasabing lugar.

 

 

Napag-alaman na dumating sa lugar ang isang kulay itim na pickup Ford Ranger na may plakang ABP 1605 sakay ang suspek na si Kristie Rose Castro y Infante, nakatira sa 30 Saint Anthony, San Carlos Heights ,Baguio City.

 

 

Base sa impormasyon, dumating sa lugar ang suspek kasama ang kanyang maid na nakilala lamang sa alyas Ivy at bigla na lamang nagpaputok ng baril.

 

 

Sinasabing bahay umano ng isang miyembro ng PNP ang kanyang pinutukan kaya naman humingi ng back up ang naturang pulis na hindi pa binabanggit ang pangalan .

 

 

Bumalik pa umano ang babaeng suspek at muling pinaulanan ng bala ang naturang bahay kaya dito na nagkaroon ng engkwentro o palitan ng putok.

 

 

Sa kasawiang palad, tinamaan ng bala at namatay ang maid ng suspek na noo’y makasakay sa passenger seat ng kanyang SUV.

 

 

Sa kabila nito, nagtangkang tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng RM Blvd., kung saan siya nasukol .

 

 

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Sampaloc police ang suspek habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. (Gene Adsuara)

Other News
  • Bolick, Ravena bibida sa 21-man Gilas pool

    PINANGUNAHAN nina Philippine Basketball Association (PBA) veteran Robert Lee Bolick Jr. ng NorthPort at Japan B. League star Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III ng San-En ang 21-man Gilas Pilipinas training team na huhugutan ng 12-man Gilas Pilipinas na didribol para sa 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon […]

  • Ads April 6, 2024

  • Malaysia, nag-alok ng pagsasanay na may kinalaman sa Halal industry, Islamic banking

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpahayag ng intensyon ang Malaysian authorities na sanayin ang kanilang Filipino counterparts sa pagpapatakbo ng Halal industry at Islamic banking.     “Building on our bilateral relations, our governments commit to closely coordinate efforts to build capacity in the Bangsamoro Autonomous Region in southern Philippines, in Muslim Mindanao, […]