Amsali, Sanchez, Ynot dagdag pangil ng Beda
- Published on February 19, 2020
- by @peoplesbalita
MABANGIS pa rin ang San Beda University Red Lions sa darating na National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 96 men’s basketball tournament dahil may malulupit na bagong tatlong bagitong manlalaro.
Sinigurado na ng SBU na maisasalang sina Rhayyan Amsali, big man Justine Sanchez at ang defensive player Tony Ynot na itinaas na sa senior team mula sa juniors.
Ayon kay team manager Jude Roque, kuntento ang Beda sa naging desisyon ng tatlo dahil sila ang mga kapalit sa mga nawalang key player sa nakaraang taon.
“They will surely add more depth to our team, which as you all know lost key players from last season,” salamysay ni Roque sa pitak na ito.
“They will also add championship experience to our young roster, having won the NCAA Juniors title last year,” panapos niyang pahayag.
Nasa magaan pang preparasyon ang Mendiola-based squad para sa nakatakdang magsimulang NCAA seniors hoops sa darating na Agosto 1.
Pinangunahan nina Amsali, Sanchez at Ynot ang SBU Red Cubs upang talunin sakmalin ang Lyceum of the Philippine University-Cavite sa finals at kopoin ang titulo sa juniors division sa nagdaan taon.
May taas na 6-foot-3, nag average si Amsali ng 16.6 points, 9.0 rebounds, 4.1 rebounds at 1.6 steals para sa San Beda jrs.
Sige abangan natin kung may angas pa ang koponan.
-
US dinagdagan ang bilang ng mga sundalo na ipapadala sa Europe
DINAGDAGAN ng US ang kanilang sundalo na ipinadala sa Europa ngayong linggo dahil sa panganib na paglusob umano ng Russia sa Ukraine. Ayon sa Pentagon, mayroong 2,000 na sundalo na galing sa Fort Bragg, North Carolina ang ipapadala sa Poland at Germany. Kinabibilangan ito ng 1,700 miyembro ng 82nd Airborne Division […]
-
NAVOTAS MULING NASUNGKIT ANG EDUCATION SEAL
SA ika-apat na pagkakataon, muling nakuha ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 2022 Seal of Good Education Governance (SGEG) sa pagsisikap nitong magkaloob ng de-kalidad na edukasyon para sa kabataang Navoteno. Tinanggap ni Navotas Schools Division Superintendent, Dr. Meliton Zurbano ang parangal kasama ang iba pang mga opisyal ng paaralan at mga kinatawan mula sa […]
-
Maraming sasaguting isyu sa ‘The Cheating Game’: Romcom movie nina JULIE ANNE at RAYVER, mapapanood na sa Netflix Worldwide
PAANO na ba mag-date ngayon? Ano ba ang eksena? Worth it pa ba talaga? Sasagutin ang mga ito sa ‘The Cheating Game,’ na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at mapapanood na sa Netflix Worldwide simula October 26. ‘A feverish, deep-dive into the psyche of two individuals who […]