ANAK NG MAG-ASAWANG MAMBABATAS, ITINALAGA NI PANGULONG DUTERTE NA BAGONG KONSEHAL NG MALABON
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni pangulong Rodrigo Duterte ang 27-anyos na anak ni Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel at An Waray Party-list Rep. Florencio ‘Bem’ Noel bilang miyembro ng Sangguniang Panlunsod at kapalit ng isang konehal na may sakit.
Ayon kay Lacson-Noel, ang pagkakatalaga sa kanyang anak na ngayon ay si Councilor Regino Federico ‘Nino’ Noel, ay nilagdaan ng Presidente noong August 2, 2021 at parehong ipinasa sa opisina ni Secretary Eduardo Año, ng Department of the Interior and Local Government (DILG), para sa pagpapatupad.
Pormal na ipinadala ni Año ang appointment paper na may petsang August 11, 2021 sa bagong miyembro ng konseho at inatasan siyang magsumite ng isang kopya ng kanyang panunumpa sa tanggapan ng Pangulo at DILG.
Inaasahang manunumpa si Konsehal Noel ngayong araw (Biyernes) kay Mayor Antolin ‘Lenlen’ Oreta III at sasaksihan ng presiding officer ng konseho na si Vice Mayor Bernard ‘Ninong’ dela Cruz, mga kasamahan at ng kanyang ipinagmamalaking magulang.
Ang batang Noel ay papalit kay Councilor Edwin Gregorio Dimagiba, isang veteran local legislator at dating Nationalist People’s Coalition (NPC) party-mate, na may problem sa puso.
Si Dimagiba ay malapit na kamag-anak ng mambabatas ng Malabon na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa Pangulo sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanyang anak na maglingkod sa mga residente bilang kasapi ng konseho ng lungsod.
“I and Congressman Bem were so thankful to President Duterte for appointing our son as newest member of Malabon Council. He has been active in the city even before his appointment and has been my companion especially during this pandemic in providing all forms of assistance to the city folks,” pahayag ni Lacson-Noel.
Ayon sa kanya, kasama sa mga adbokasiya ni Councilor Noel ang mental health, environmental protection, financial literacy pati na rin ang youth empowerment. (Richard Mesa)
-
Eala sablay sa ‘Sweet 16’
Yumukod si Alexandra Eala kay Simona Walterts ng Switzerland, 6-4, 2-6, 7-5, sa rematch sa opening round ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor tournament sa Manacor, Spain nitong Miyerkoles ng gabi. Kontrado ang 15-anyos na Pinay mula sa Quezon City, reigning Women’s Tennis Association (WTA) No. 763, Rafael Nadal Academy (RNA) athletic […]
-
Debris ng missing Cessna plane sa Bicol natagpuan sa Mt. Mayon
NAKITA na malapit sa crater ng Bulkang Mayon ang posibleng bahagi ng Cessna 340 plane na nawala kamakalawa sa Albay. Ayon kay Mayor Carlos Irwin Baldo, Jr. ang debris ng eroplano ay nakuhanan sa pamamagitan ng digital single-lens reflex (DSLR) camera ng isang volunteer dakong alas-10:30 ng umaga sa gilid ng bulkan sa […]
-
Boston Marathon may ilang pagbabago sa 2026
May pagbabagong ipapatupad ang organizers ng sikat na Boston Marathon ang qualifying times sa darating na 2026. Ayon sa Boston Athletic Association na dapat ang mga runners ay maabot ang 26.2-mile race na limang minutong mas mabilis kumpara sa mga nakaraang taon para makakuha ng numero. Paliwanag ni Jack Fleming, pangulo […]