Anak ni Pacquiao nagpakita ng talino
- Published on December 4, 2020
- by @peoplesbalita
NILADLAD ng ng anak ni eight-division world boxing champion, Sen. Emmanuel Pacquiao na si Michael Pacquiao nang tamang masagot ang pito sa Walong tanong upang mapremyuhan ng P45K sa Eat Bulaga Bawal Judgmental TV noontime show nitong Miyerkoles, Disyembre 2.
Umiskor ang Ingleserong bata na ipinakilalang rapper art artist ng 3-of-4 sa opening stanza at 3-of-3 sa finals at inokray nina program main host/comedian Vic Sotto at co-host Jose Manalo at Paolo Ballesteros na mga komedyante rin.
Kinakitaan din ng galang ang batang Pacquiao na nangangarap maging professional basketball player nang matanong ni Sotto “kung nagta-Tagalog” na agad naman niyang tinugon ng “opo”
Nadadalas na ang pagbisita sa pananghaliang programa ang mga personahe sa sports na klik naman sa mga manonood.
Kamakailan lang sina Philippine Basketball Association (PBA) stars Arwind Santos ng San Miguel Beer at James Carlos Yap Sr. ng Rain or Shine ang mga naging kalahok sa nasabing portion ng show. (REC)
-
UAAP sa apela ni Aldin Ayo: Status quo!
Wala pang balak ang UAAP Board na talakayin ang apela ni dating University of Santo Tomas (UST) Aldin Ayo sa kanyang indefinite ban. Ito ay dahil hinihintay pa ng liga ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng CHED, DOJ at DILG na siyang magbibigay ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF). “Out of prudence, […]
-
Pamalit sa Campus Journalism Act of 1991, inihain sa Kamara
PANAHON na para sa bagong batas na magtataguyod sa press freedom ng mga estudyante sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Sa House Bill 7780 o Student Journalists’ Rights Act of 2020 na inihain ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, layon nitong itakda ang hindi kinayang gawin ng Campus Journalism Act of 1991 or […]
-
Senado binigyang pagkilala ang tagumpay ng Powerlifter ng bansa sa 2022 Southeast Asian Cup
Binigyang kilala ng senado ang Powerlifting Association of the Philippines dahil sa paghakot nila ng mga medalya sa katatapos na 2022 Southeast Asian Cup sa Malaysia. Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na mayroong kabuuang 78 medalya ang kabuuang nakuha ng Pilipinas. Sa nasabing bilan ay mayroong 23 gold medals, […]