Ancajas vs Rodriguez, kasado na ang sapakan
- Published on February 19, 2020
- by @peoplesbalita
ILALABAN at buong tapang na Ipagtatanggol ni reig-ning International Boxing Federation (IBF) super flyweight world champion Jerwin Ancajas ang kanyang titulo laban kay Mexican challenger Jonathan Rodriguez sa Abril.
Ito ang inihayag ni Top Rank Promotions chief Bob Arum kung saan pinag-aaralan pa ng kanyang grupo kung saan gaganapin ang laban.
Si Rodriguez ang parehong boksingerong makakalaban sana ni Ancajas noong Nobyembre 2 sa Carson, California.
Subalit hindi ito natuloy dahil sa problema sa visa ni Rodriguez.
“Yes (it’s Rodriguez). I did not make the match, one of my people made it. Once we finalized everything, we will announce it. I think that fight will most likely by April 11,” ani Arum na tiniyak naman na wala nang magiging aberya sa pagkakataong ito.
Kailangan aniya maplantsa ang lahat ng dokumento bago pa man ang laban partikular na ang visa na naging pangunahing dahilan para makansela ang laban nito kay Ancajas noong Nobyembre.
“We are still finalizing the site. But you know sometime next week or so, everything will come together. We’ve been announcing two fights for every month but at least two or three fights, so we will have that final advise sometime next week,” ani Arum.
Naging kapalit ni Rodriguez si Chilean Miguel Gonzalez kung saan itinarak ni Ancajas ang impresibong sixth-round knockout win noong Disyembre 7 sa Puebla, Mexico.
Marami pang plano si Arum kay Ancajas dahil matapos si Rodriguez, target ni Arum na isabak ang Pinoy boxer kina World Boxing Council super flyweight champion Juan Francisco Estrada ng Mexico, World Boxing Association super flyweight titleholder Khalid Yafai ng Great Britain at World Boxing Organization champion Kazuto Ioka ng Japan para sa isang unification bout.
-
Libreng bakuna vs Pertussis, larga na sa Maynila
LARGA na ang 44 health centers ng lungsod ng Maynila sa pagbibigay ng libreng bakuna laban sa nakamamatay na sakit na Pertussis na karaniwang tumatama sa mga sanggol o bata. Nanawagan si Mayor Honey Lacuna sa mga magulang at guardian na dalhin ang mga anak na bata sa pinakamalapit na health center at […]
-
SC, natanggap na ang ika-2 petisyon sa hiling na TRO sa vote canvassing at proklamasyon kay Marcos
NATANGGAP na ng Korte Suprema ang ikalawang petisyon na humihiling para sa temporary restraining order (TRO) sa canvassing ng Kongreso sa mga boto at proklamasyon bilang pangulo kay Bongbong Marcos. Sa 75 pahinang petisyon ng grupo, hinihimok din ang SC na ideklara ang kandidato na may pinakamaraming votes na si VP Maria Leonor […]
-
Vaccination itataas sa 100% ng populasyon
Maaaring itaas ng pamahalaan ang kanilang COVID-19 immunity target mula 70% hanggang 100% ng populasyon ng bansa dahil sa patuloy na pagsulpot ng mga COVID-19 variants. Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, unang itinakda ang 70% herd immunity target para lamang bigyang-proteksyan ang publiko sa mga tao mula sa severe infection ng orihinal […]