ANDRE, longtime dream ang makapasok sa PBA tulad ng ama na si BENJIE
- Published on March 29, 2021
- by @peoplesbalita
DAHIL opisyal nang PBA player na si Andre Paras after siyang ma-draft sa Blackwater team, kikita ito ng higit na P3 million for two years sa pinirmahan niyang kontrata.
Mahahati nga raw ang panahon ni Andre between sports at sa showbiz. Kasalukuyang host si Andre ng GTV game show na Game of the Gens.
Hindi naman tinago ni Andre na longtime dream niya ang makapasok sa PBA tulad ng kanyang ama na si Benjie Paras na isang PBA Legend.
Kung kaya raw ipagsabay ni Andre ang showbiz at basketball, gagawin niya dahil pareho raw niyang mahal ang dalawa.
“My motto in life it’s always: change your happiness to what makes you happy. And showbiz or hosting makes me happy, basketball makes me happy.
“And at this point sabay pa rin sila, so I have no reason to choose one, kasi sabay naman po sila, both make me happy,” sey ni Andre.
***
KINUWENTO ng award-winning actor na si Albert Martinez sa programang Tunay Na Buhay ang naging love story nila ng yumaong niyang misis, ang aktres na si Liezl Sumilang-Martinez.
Ayon kay Albert, hindi naging madali ang love story nila ni Liezl pero hinarap daw niya ang lahat ng problema dahil tunay silang nagmamahalan ni Liezl.
“The best part of our love story it’s you and me against the world dahil lahat pinaglaban namin just to be together. Hindi ganun kadali ‘yung mag-elope, especially ‘yung mother-in-law ko (the late Amalia Fuentes) was so upset about it, and nag-struggle kami from scratch.
“‘Yung relationship namin as husband and wife is so strong, kaya namin labanan kahit anong itapon sa amin na problema.”
Pumanaw si Liezl noong 2015 matapos ang mahigit na pitong taong pakikipaglaban sa sakit na breast cancer. Best friend ang turing ni Albert sa kanyang misis.
“She’s my best friend, and she handles everything for me. Ako lang, I can work. That’s it. The rest siya lahat nagha-handle. And she really took care of me so well. Pero ‘yung nami-miss ko lang ‘yung moment namin dito na talking, mga conversations namin.”
Ngayon ay enjoy maging lolo si Albert sa tatlo niyang apo.
Balik-Kapuso na nga si Albert sa pamamagitan ng afternoon drama na Las Hermanas, kung saan makakasama niya sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith Da Silva.
***
PUMANAW na ang Emmy Award winner na si Jessica Walter noong March 24 sa edad na 80.
Hindi na raw nagising ang aktres ayon sa kanyang anak.
Nakilala si Jessica sa comedic role niya sa sitcom na Arrested Development. Lumabas din siya sa mga series na Trapper John, M.D., Streets of San Francisco, Amy Prentiss, Dinosaurs, Archer, 90210 at The Big Bang Theory.
Unang lumabas ang aktres sa 1964 film na Lilith. Naging leading lady siya sa directorial debut ni Clint Eastwood na Play Misty For Me. (RUEL J. MENDOZA)
-
Young Guns dinepensahan si Rep. Migs Nograles laban sa paratang ng pamumulitika
NAGSAMA-SAMA ang mga kongresista na tinaguriang Young Guns ng Kamara sa pagtatanggol kay PBA Partylist Rep. Migs Nograles, na pinaratangan ng pamumulitika sa pamamahagi tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ni Davao City Rep. Paolo Duterte. “We, the Young Guns, stand united in our support for Rep. Migs Nograles. Her work in […]
-
“Walang puwang ang mga ‘paninira, paghahatakan pababa’ -PBBM
“SA isang Bagong Pilipinas, walang puwang ang mga paninira at paghahatakan pababa. Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang YouTube channel sabay sabing “unahin natin ang ating bayan. Magbago na tayo dahil walang Bagong Pilipinas kung walang bagong Pilipino.” Noong nakaraang linggo, tinawag na ‘bangag’ at binatikos ni […]
-
Kapasidad ng mga ospital na maka- accomodate ng mga COVID patients, patuloy na tumataas habang pababa ang naitatalang tinatamaan ng virus – Malakanyang
TINIYAK ng Malakanyang na marami pang hospital bed ang maaaring gamitin sa mga kinakapitan ng COVID -19. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maayos sa kabuuan ang bed capacity na inihanda ng pamahalaan para sa mga COVID patients. Aniya, nasa 59% pa ang bakante para sa mga nangangailangang dalhin sa ICU habang 62% […]