Kapasidad ng mga ospital na maka- accomodate ng mga COVID patients, patuloy na tumataas habang pababa ang naitatalang tinatamaan ng virus – Malakanyang
- Published on December 10, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na marami pang hospital bed ang maaaring gamitin sa mga kinakapitan ng COVID -19.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maayos sa kabuuan ang bed capacity na inihanda ng pamahalaan para sa mga COVID patients.
Aniya, nasa 59% pa ang bakante para sa mga nangangailangang dalhin sa ICU habang 62% ang available pa sa mga isolation beds.
Habang 72% naman ang available para sa ward beds habang pati mga ventilators ani Roque ay wala nang nakikitang kakapusan gayong nasa 81% ang availability ng mga ventilators.
Subalit, sinabi ni Sec. Roque, na hindi naman ibig sabihin na dahil marami pa ang mga kama para sa magkakasakit ng COVID ay maaari nang magpabaya gayung dapat pa rin aniyang i-obserba ang mask, hugas at iwas.
“Uulitin ko po, hindi naman ibig sabihin na palibhasa marami pa tayong mga kama para sa magkakasakit ng COVID ay tayo po ay magpapabaya na. Kinakailangan mask, hugas, iwas,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Ads November 12, 2022
-
Ads August 2, 2021
-
DAYUHANG TURISTA, BUBUKSAN NA SIMULA FEBRUARY 1
INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na simula sa February 10, magbubukas na ang boarder ng bansa para sa pagpasok ng mga dayuhang turista. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay kasunod sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na insiyu noong Huwebes na […]