• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Andrea, walang balak isa-publiko ang detalye ang break-up nila ni Derek

NAGBIGAY na ang Kapuso actress na si Andrea Torres ng kanyang short statement noong November 20, tungkol sa break-up nila ni Derek Ramsay.

 

      Ayon sa statement ni Andrea na pinadala sa GMANetwork.com.

 

      “Yes, Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give the breakup the same amount of respect that I had for the relationship.

 

      “I think you all know how much it meant to me. I hope you understand. I will always wish him and his family well.”

 

      Kasunod nga ito ng pag-amin ni Derek sa social media na nag-break na sila ni aktres.

 

      Ipinagtanggol pa ni Derek sa kanyang IG account ang mga namba-bash kay Andrea.

 

      “Please don’t point the finger at anyone. There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman,” pahayag ni Derek at ipinagdiinang walang third party sa naganap na hiwalayan.

 

      Nagsimulang umugong ang tsismis noong November 17 nang parehong nag-unfollow at nag-delete na kanilang photos na magkasama sa Instagram.

 

      Matatandaan na nagkakilala sina Derek at Andrea sa set ng primetime drama series ng GMA-7, na The Better Woman.

 

      September 2019 nang aminin nina Derek at Andrea na magkarelasyon na sila.

 

      Huli silang nagkasama sa taping ng Christmas Station ID ng GMA-7 at kitang-kita doon na masaya pa sila.

 

*****

 

      MAS magiging oppa-nalo ang mga gabi sa pagbabalik ng My Korean Jagiya sa GMA Telebabad na pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Alexander Lee.

 

      Mapapanood ito sa ganap na alas diyes ng gabi Lunes hanggang Huwebes at nagsimula na ito kagabi, November 23, kaya mas magiging dama ang K-lig at K-drama vibes.

 

      Napapanood naman ang Encantadia rerun sa ganap na 8:30 p.m., kasunod ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) na may all-new episodes sa ganap na 9:20 p.m. Lunes hanggang Biyernes.

 

      Samantala, huling linggo na ng Lakorn drama na My Love From Another Star na mapapanood tuwing 10:50 p.m. hanggang Huwebes.

 

      Maaaring i-stream ang aired episodes ng Encantadia, Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation), My Korean Jagiya, at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com o GMA Network app. (ROHN ROMULO)

 

Other News
  • P3M DROGA NASAMSAM SA BUY BUST SA MAYNILA

    NASAMSAM ang tinatayang P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa tatlong naarestong tulak sa magkahiwalay na drug operation sa Maynila.     Kinilala ang mga suspek na sina Abdulmanan Buisan, Sarah Manonong  at Marissa Manansala.     Si Buisan ay naaresto ng mga tauhan ng MPD-Drug Enforcement Unit  kung saan nakuha sa kanyang pag-iingat ang  […]

  • ‘Di lang sa paghuhubad may ibubuga, pasado rin sa pag-arte: CHRISTINE, hindi makapaniwala na nakatanggap ng mga papuri kay Direk JOEL

    ISANG maganda at kakaibang paru-paro ang dadapo sa VIVAMAX ngayong ika-18 ng Marso.     Si Christine Bermas ay ang Moonlight Butterfly.     Inihahandog ng VIVA Films ang isang pelikula mula sa Master Director na si Joel Lamangan, tungkol sa isang babae na may kakaibang ganda at karisma.     Ito ang kwento ni […]

  • 80.85% ng COVID-19 vaccines ang nai-rollout ng pamahalaan sa first quarter ng 2021 –Galvez

    TINATAYANG umabot na sa 80.85% ng COVID-19 vaccines ang nai-rollout ng pamahalaan sa first quarter ng 2021 sa gitna ng pagtaas ng coronavirus infections sa bansa.   Base sa naging presentasyon ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.’ sa Cabinet meeting, araw ng Lunes ay may 1,233,500 mula sa bilang na 1,525,600 kabuuang vaccine shots ang […]