• February 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Andrea, walang balak isa-publiko ang detalye ang break-up nila ni Derek

NAGBIGAY na ang Kapuso actress na si Andrea Torres ng kanyang short statement noong November 20, tungkol sa break-up nila ni Derek Ramsay.

 

      Ayon sa statement ni Andrea na pinadala sa GMANetwork.com.

 

      “Yes, Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give the breakup the same amount of respect that I had for the relationship.

 

      “I think you all know how much it meant to me. I hope you understand. I will always wish him and his family well.”

 

      Kasunod nga ito ng pag-amin ni Derek sa social media na nag-break na sila ni aktres.

 

      Ipinagtanggol pa ni Derek sa kanyang IG account ang mga namba-bash kay Andrea.

 

      “Please don’t point the finger at anyone. There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman,” pahayag ni Derek at ipinagdiinang walang third party sa naganap na hiwalayan.

 

      Nagsimulang umugong ang tsismis noong November 17 nang parehong nag-unfollow at nag-delete na kanilang photos na magkasama sa Instagram.

 

      Matatandaan na nagkakilala sina Derek at Andrea sa set ng primetime drama series ng GMA-7, na The Better Woman.

 

      September 2019 nang aminin nina Derek at Andrea na magkarelasyon na sila.

 

      Huli silang nagkasama sa taping ng Christmas Station ID ng GMA-7 at kitang-kita doon na masaya pa sila.

 

*****

 

      MAS magiging oppa-nalo ang mga gabi sa pagbabalik ng My Korean Jagiya sa GMA Telebabad na pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Alexander Lee.

 

      Mapapanood ito sa ganap na alas diyes ng gabi Lunes hanggang Huwebes at nagsimula na ito kagabi, November 23, kaya mas magiging dama ang K-lig at K-drama vibes.

 

      Napapanood naman ang Encantadia rerun sa ganap na 8:30 p.m., kasunod ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) na may all-new episodes sa ganap na 9:20 p.m. Lunes hanggang Biyernes.

 

      Samantala, huling linggo na ng Lakorn drama na My Love From Another Star na mapapanood tuwing 10:50 p.m. hanggang Huwebes.

 

      Maaaring i-stream ang aired episodes ng Encantadia, Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation), My Korean Jagiya, at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com o GMA Network app. (ROHN ROMULO)

 

Other News
  • PBBM sa ‘BAGONG PILIPINO’ : ipagdiwang ang pagmamahal sa sarili sa Araw ng mga Puso

    IPAGDIWANG ang pagmamahal sa sarili ang “friendly reminder” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga “Bagong Pilipino” ngayong nalalapit na ang Araw ng mga Puso.     Sa short video message ng Chief Executive sa kanyang  official Instagram account, sinabi ni Pangulong Marcos na alam ng mga “Bagong Pilipino”  kung paano pangangalagaan ang kanilang sarili. […]

  • Nets pumayag ng pakawalan si Irving

    PUMAYAG  na ang Brooklyn Nets sa hiling ni Kyrie Irving na siya ay payagan na malipat sa ibang koponan.     Ayon sa kampo ng 30-anyos na si Irving na mayroong ng go-signal ang Nets para sa trade.     Mayroong hanggang June 29 ito para sa kaniyang $36.9 milyon player option.     Sa […]

  • Kai Sotto sumama na sa ensayo ng Gilas Pilipinas

    Sumama na si Kai Sotto sa training bubble ng Gilas Pilipinas para sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark.     Nagtapos na kasi ang quarantine period ng 7 foot 4 para makasama sa training ng Gilas kung saan magiging host ang Pilipinas.     Umaasa naman si Samahang Basketball ng […]