ANDREA, walang makapipigil sa pagpapakita ng kanyang alindog; nagpanganga sa daring post
- Published on January 18, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG makapipigil kay Andrea Torres na magpakita ng kanyang alindog sa social media.
Sa latest post ng Kapuso sexy actress, pinakita nito ang kanyang abs at suot lang niya ay white bralette ar jeans.
Napanganga ulit ang netizens sa daring na post ni Andrea. Pati na mga kapwa artista niya ay nag-comment ng magaganda sa kanyang IG post.
Tila naging tibo ang mga female friends ni Andrea sa kaseksihan niya.
Comment ni Sanya Lopez: “Ang hot mo partner.”
Sey naman ni Chynna Ortaleza: “Pahiga naman sa abs.”
Hirit ni Ara Mina: “Grabe ang sexy naman.”
May netizens naman na kinonek ang pagpapa-sexy ni Andrea sa pakikipaghiwalay nito sa ex-boyfriend na si Derek Ramsay.
“Masaya kami malaman na hindi ka apektado sa ex mo. We love you, Ada! Ang [hot] mo dai!” comment ng isang netizen.
Dagdag pa ng isa: “Derek Ramsay and Ellen Adarna left the group.”
***
CUPID vs. dating app—ano ang mananaig pagdating sa pag-ibig?
Ngayong 2021, abangan ang Starstruck alumni na sina Kim de Leon at Lexi Gonzales sa bagong fantasy-romcom series ng GMA Public Affairs na My Fantastic Pag-ibig sa GMA News TV.
Sa unang installment nito na ‘Love Wars,’ nanganganib na magunaw ang mundo ng mga kupido dahil sa trending dating app na Matchmaker.
Sa kagustuhang ma-rescue ang kanilang mundo, magpapanggap ang karakter ni Kim na si Pido bilang mortal at papasok bilang intern sa kumpanya ng dating app.
Sa kanyang secret mission, makikilala niya si Lovelyn, ang app developer na gagampanan ni Lexi. Pursigido si Lovelyn na lalong maging successful ang Matchmaker app.
Magtagumpay kaya si Pido sa kanyang misyon? Ano nga ba ang magagawa ng isang kupido sa growing trend of finding love in the digital age?
Kaabang-abang na naman ang bagong program na ito. Abangan ang My Fantastic Pag-ibig, ngayong January 30 na sa GMA News TV!
***
WALANG excuse ang sinuman sa panahon ng pandemic.
Ito ang na-experience ng Hollywood actor na si Bruce Willis nang palabasin siya sa isang store dahil ayaw niyang magsuot ng face mask.
Ayon sa Page Six, the Die Hard star “was asked to leave a Los Angeles Rite Aid on Monday after he refused to wear a mask.”
Na-upset raw ang customers sa 65-year old actor dahil pumasok ito sa store na walang suot na face mask, pero may suot naman daw itong bandana sa kanyang ulo na puwede niyang itakip sa kanyang bibig at ilong.
“The store refused to give service to the actor and asked him politely to leave the store for not wearing a face mask,” ayon pa sa Page Six.
Wala raw nagawa ang aktor kundi ang lumabas ng store na walang nabili.
Ang Los Angeles County na raw ang epicenter ng coronavirus crisis in California. Lumagpas na sa 10,000 COVID-19 deaths sa naturang state. (Ruel J. Mendoza)
-
DBM, labis ang pasasalamat sa napapanahong pagkakapasa sa 2025 nat’l budget
PINASALAMATAN ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa napapanahong pag-apruba sa panukalang P6.352 trillion national budget para sa taong 2025. Ito’y matapos aprubahan ng bicameral conference committee ang pinal na bersyon ng House Bill (HB) 10800 o ang 2025 General Appropriations Bill (GAB). “We extend our sincerest […]
-
Isolation facilties ng Valenzuela, dinagdagan ng DPWH, IATF
LUBOS na nagpasalamat si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa pagpapatayo ng isa pang isolation facility lungsod. Ani Gatchalian ang pasilidad na matatagpuan sa Arkong Bato ay magsisimula nang paganahin sa susunod na lingo. […]
-
Mahigit 17,000 na mga frontline worker sa Bulacan, tumanggap ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19
LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Bulacan ng 17,280 na mga frontline worker kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nasa Priority Group A1 sang-ayon sa resolusyon na iniharap ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) at DOH Technical Advisory Group (DOH-TAG) mula ng simulan ang programa noong Marso 8, 2021. Nitong […]