• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANDREW E., umaming nagka-kinang at tibay ang pangalan dahil kina MARICEL at SHARON

ANG original song ni Andrew E. na 18 years ago na ay naging hit TikTok trend sa netizens, kaya naisipan ni Boss Vic del Rosario na gawin ito na VIVAMAX original movie.

 

 

Ang SHOOT! SHOOT!: DI KO SIYA TITIGILAN! ang latest movie collaboration ng comedy director na si Al Tantay (Pakboys: Takusa at Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo) at ng Ultimate Pakboy na si Andrew E., at makakasama pa niya ang mga sexy at kalog na Vivamax Goddesses na sina AJ Raval at Sunshine Guimary.

 

 

Iikot ang istorya kay Jack (Andrew E.), isang lalakeng nakatira sa maliit na bayan, na ang tanging pangarap ay ang maging isang aktor.

 

 

Pagkatapos sumabak sa napakaraming auditions, sa wakas ay napili si Jack sa isang role bilang tagapagmana ng kanyang mayamang kamag-anak.

 

 

Habang binabasa ang kanyang mga linya, narinig siya ng kanyang kapitbahay tungkol sa pagmamana ng 100 bilyong dolyar, At nagsimulang magbago ang pakikitungo sa kanya ng mga tao nang biglang kumalat sa buong bayan na isa na siyang bilyonaryo.

 

 

Biglang ang mga babae ay gustong makuha ang kanyang atensyon, at hindi ring magandang atensyon ang nakuha niya sa ibang mga taga-bayan.

 

 

Samantala, sa digital medicon, natanong namin si Andrew E, kung ano ang memorable experiences niya na naging part ng mga leading ladies niya ang dalawang A-list superstars na sina Diamond Star Maricel Soriano at Megastar Sharon Cuneta at paano yun naka-apekto sa kanyang buhay at career.

 

 

“Oh wow, it really put the period in the name Andrew E. Silang dalawa, the Diamond Star and the Megastar, ang dalawang stars na ‘yan ang nagbigay ng kinang, ng tuldok at nagbigay ng total prism sa pangalang Andrew E.

 

 

“Sila ‘yun nagpatibay sa pangalan ko noong ‘90s dahil sa pag-pair nila sa akin at pagbigay ng kanilang biggest talent of all.

 

 

“And to share it with you in a movie, hindi ‘yun basta-basta binibigay sa isang leading man o artista, hindi po ganun na ‘yun, hindi siya simple blessings.

 

 

“Napakarami ring artista by that time na namamayagpag, isa ko sa mga kulelat din, kaya kung naibigay sa akin ang chance na makasama sina Sharon Cuneta at Maricel Soriano, dalawang biggest stars of that time and up until now their names are still in minds and hearts ng mga Pilipino, ‘yun po ay total achievement sa isang Andrew E.”

 

 

Since may connect sa pagiging milyonaryo o bilyonaryo ang pelikula, naitanong namin kina Andrew kung ano ang ginawa niya noong kumita siya ng kanyang first million sa showbiz industry.

 

 

“Napakasariwa pa ng day and age na alaala ko na nakatikim ako ng first million sa mga palad ko, I was 23 years old, the year was 1991,” pahayag ng aktor/rapper.

 

 

“It came from my second contract with Viva Films, noong ginawa ko ‘yun ‘Alabang Girls’, yun ang aking first million.

 

 

“What I did was, and I still remembered, trineat ko ang sarili ko at pamilya sa isang mamahaling restaurant to celebrate.

 

 

“Tapos ni-relocate ko ang family ko matapos ko makabili ng lupa at nagpagawa ng bahay, yun agad ang ginawa ko.  Hindi ako nagbuhay artista.

 

 

“Sinecure ko agad ang bahay ko, para sa akin ‘yun ang unang-una na kailangan ko na magkaroon ng maayos na bahay, dahil galing din kami sa barong-barong.”

 

 

Dagdag pa niya, “tungkol naman sa pakikitungo sa tao, hindi naman nagbago, dahil nadagdagan pa. Hindi pa man ako artista, ganun na ang pakikitungo ko sa kapwa.

 

 

“Kaya noong nag-artista na ako, lalo pang gumana ang aking puso na lalong isipin at sabihin sa sarili ko na, ‘ang unang araw na sumikat ka, dapat tandaan mo na unang araw na rin na malalaos ka.’

 

 

“Para sa susunod na araw alam mong I-appreciate sa buhay mo much more.”

 

 

Going back to the movie, isa na naman itong sure-hit na comedy film ni Direk Al na naka-6.5 million trailer views sa loob lang ng 48 hours.

 

 

Ang SHOOT! SHOOT! (na nag-stick sa style ng classic 90s comedy film: slapstick at sexy comedy) ay isa sa mga most anticipated movies ngayong taon kaya wag palalampasin sa October 8, streaming online na mas affordable, mas marami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • ‘Top Gun: Maverick’ Expected to Surpass Titanic’s Domestic Box Office Record

    TOP Gun: Maverick is likely to become the seventh biggest film ever at the domestic box office, a record currently held by Titanic.     Top Gun: Maverick premiered this May and has been screening in theaters ever since. It’s the sequel to the original Top Gun (1986), also starring Tom Cruise and Val Kilmer, […]

  • CARLA, natawa sa birong pagod na ikakasal kay TOM sa November pero blooming pa rin

    MABABAGO pala ang date ng church wedding ng mga Kapuso stars na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.      Ang una kasi nilang announcement ay October 23 na magaganap sa Tagaytay Highlands, pero binago na nila this November, 2021.     Medyo mahirap daw na pinagsabay nila ni Tom ang work at ang pagpa-plano […]

  • Mga senador sa DBM: Dalian ang pamamahagi ng Bayanihan 2 fund

    KINALAMPAG ng mga senador ang Department of Budget and Management na ipamahagi agad ang pondo mula sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.   “We urgently call on the DBM (Department of Budget and Management) to immediately issue the necessary Special Allotment Release Orders to all implementing agencies, even pending the issuance […]