• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bubble training ng national athletes sisimulan ngayong Enero

Sisimulan na ngayong Enero ang pagsasanay ng national athletes sa isang bubble setup sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon Fernandez, makakababalik na sa ensayo ang mga atleta partikular na ang mga naghahangad na makasikwat ng tiket sa Tokyo Olympics.

 

“The bubble training that we are going to do will start this first week of January to really prepare for the Tokyo Olympics,” ani Fernandez sa programang Power and Play.

 

Matagal tagal nang hindi nakapag-ensayo ang mga atleta dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic kaya’t kani-kanyang paraan ang mga ito para mapanatili ang magandang kundisyon.

 

Kaya naman malaki ang maitutulong ng bubble trai­ning upang magkaroon ng pormal na training at mga kagamitan para maibalik ang perpektong porma.

 

Ilang qualifying tournaments para sa Olympics ang nakalinya ngayong taon kung saan sasalang ang ilang boxers, karatekas at iba pang atletang magtatangkang humirit ng slot sa Tokyo Games.

 

Sa kasalukuyan, may apat na Pinoy pa lamang ang nakasisiguro ng tiket sa Tokyo Olympics — sina gymnast Carlos Yulo, pole vaulter EJ Obiena, at bo­xers Eumir Marcial at Irish Magno. Umaasa si Fernandez na madaragdagan pa ito.

Other News
  • LeBron James may buwelta sa mga kritiko

    Binuweltahan ni NBA star LeBron James ang kaniyang mga kritiko.     Kasunod ito ng pagkakatala niya sa loob ng 17 na magkakasunod na season bilang manlalaro na mayroong average na 25 points kada laro.   Dahil dito, nalampasan na niya sina Michael Jordan, Kobe Bryant at Kevin Durant na mayroong 12 total seasons na […]

  • LRTA blacklisted contractors

    NAKA-BLACKLIST ang pitong (7) contractors ng Light Rail Transit Authority (LRTA) dahil nabigo nilang tapusin ang rehabilitation works sa tamang panahon at iba pang trabaho na siyang naman pinahinto ng Commission on Audit (COA).   Dahil sa report ng COA, pinasuspinde ng LRTA ang halos anim (6) na proyekto na hinahawakan ng pitong (7) contractors […]

  • Taiwan minaliit ang ginawang 3-day simulation target strikes ng China

    HINDI nagpahayag ng pagkatakot ang Taiwan sa ginawang tatlong araw na simulation target strikes ng China.     Ayon sa defence ministry ng Taiwan na lalo pa nilang papalakasin ang kanilang kahandaan sa pakikipagdigma.     Maging ang US ay mananatiling nakabantay sa anumang hakbang na gagawin ng China matapos ang tatlong araw na simulation […]