• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ang desisyon ng Korte Suprema: PAGCOR at PCSO, ibigay ang dapat sa PSC

HABANG marami ang mga negosyante at pulitiko ang nagbigay ng pabuya sa mga Olympians natin, higit na mahalaga ang naging hatol ng Korte Suprema sa kasong Joseller M. GUIAO VS PAGCOR, PSO et al (G.R. no. 223845, may 28 2024).

 

Si Guiao ay mas kilala na coach Guiao sa mga sports fans. Ito na marahil ang pinakamahalagang panalo niya sa kanyang legendary career: BILLIONS OF PESOS PARA SA ATING ATLETANG PILIPINO!

 

Noong 2016 ay nagsampa ng kaso si Cong. Josseler” Yeng” Guiao laban sa PAGCOR at PCSO na i-remit ng mga ito sa PSC ang parte ng PCSO draws at PAGCOR income ayon sa RA 6847 o Ang Pilippines Sports Commission Act.

 

Ayon sa Korte Suprema, kung saan ang ponente ay si Justice Marvic Leonen- “The Philippine Amusement and Gaming Corporation is ordered to account and remit the full amount of 5 percent of its gross income per annum after deduction of its 5 percent franchise tax, from 1993 to present in favor of the Philippine Sports Commission.”

 

“Philippine Charity Sweepstakes Office is ordered to account and remit to the Philippine Sports Commission the 30 per cent representing the charity fund of the proceeds of six Sweepstakes or lottery draws per annum, for the years 2006 to present.”

 

Sa demandang mandamus ni Cong coach Guiao matagal nang nilalabag ng PCSO at PAGCOR ang nakasaad sa section 26 ng RA 6847.

 

Pinalagan ito ng PAGCOR at sinabi na PSC is not entitled to the full five percent since subject pa sa deductions ito. Sabi naman ng PCSO ang PSC ay sa sweepstakes draws lang at hindi sa lotto may makukuha.

 

Pero hindi ito kinatigan ng Korte Suprema at sinabing “the Sports Commission has been neglected for decades.”

 

Sabi ng Korte Suprema — “Without the necessary funding for the Commission, one cannot expect it to efficiently fulfill its functions.

 

Moreover with insufficient funds, the entire existence of the Commission is made futile and its role in sports development and nation building is rendered nugatory.

 

Ang kapasyahan ito ng Korte Suprema ay magbibigay ng bilyong bilyong piso sa PSC sa habang panahon na mapapakinabangan ng mga atletang pilipino.

 

Mabuhay ang Korte Suprema ng Pilipinas. Maraming maraming salamat sa mga Supreme Court Justices. All of you are “noble sports men in robes” that our sports loving countrymen will forever be grateful and proud.”

 

 

Atty. Ariel Inton

Other News
  • 50 milyong syringe vs COVID-19, nasayang

    Ibinisto ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinalampas umano ng pamahalaan ang pagkakataong makakuha ng 50 milyong heringgilya.     Sa twitter account ni Locsin, sinabi nito na tina­lakay sa Washington DC ang pangangailangan para sa mga heringgilya subalit tumanggi ang mga ahensiya ng Pilipinas na pag-usapan ang mga detalye tungkol dito.   […]

  • Ads October 24, 2022

  • 2 nalambat sa buy-bust sa Navotas, Valenzuela

    DALAWANG hinihinalang tulak ng illegal na droga ang natimbog sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Navotas at Valenzuela Cities.     Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ng buy-bust […]