• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Ang ipinaglaban natin noong nakaraang eleksyon ay pagpupugay sa ating demokrasya” – Fernando

LUNGSOD NG MALOLOS – “Ang ipinaglaban natin noong nakaraang eleksyon ay pagpupugay sa ating demokrasya laban sa pulitika ng pera at pwersa ng makapangyarihang sekta.”

 

 

Ito ang pahayag ni Gobernador Daniel R. Fernando sa kanyang talumpati sa Ika-124 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas na ginanap sa bakuran ng Simbahan ng Barasoain sa lungsod na ito kahapon.

 

 

Naniniwala si Fernando na ang tema sa paggunita sa taong ito “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas”, ay lalong naging makabuluhan isang buwan matapos ang pambansa at lokal na eleksyon.

 

 

“Ang ipinaglaban natin nitong nakaraang halalan na ito ay isang pagpaparangal sa ipinaglaban ng ating mga ninuno. Ang ipinaglaban natin dito ay kinabukasan ng ating mga kababayan. Sa bawat bumoto ayon sa konsensya, isinabuhay mo ang tibay ng loob at pangitain ng ating mga ninuno, sila na buong giting na nagkaisa at nagpahayag ng paglaban sa pananakop ng dayuhan,” anang gobernador.

 

 

Sinabi ni Fernando na ang eleksyon ay pamana ng ating kasarinlan, at bawat isang mamamayan, sa pamamagitan ng kanilang sagradong karapatan na bumoto, ay kasama sa pagbuo ng pamahalaan at pagtatayo ng isang bansa.

 

 

“Ang gusali ng ating Kapitolyo ay simbolo ng isang dakilang lalawigan kung saan buhay at nagpapatuloy ng pag-iral ng demokrasya– isang prosesong inilaan ng Diyos para sa kabutihan ng tao,” dagdag niya.

 

 

Nagpasalamat ang dalawang terminong gobernador sa mga sumuporta sa kanya at sa kanyang katambal na si bagong halal na Pangalawang Punong Lalawigan Alexis Castro.

 

 

“Samahan nawa kami ng inyong mga dalangin upang kami ay maging karapat-dapat sa lahat ng mabubuting bagay na ipinaglaban ng ating mga ninuno at kalayaang piliin ang tama at labanan ang tiwali, kalayaang irespeto ang karapatan ng kapwa at iwasan ang pag-abuso sa kapangyarihan,” ani Fernando.

 

 

Kasabay ang kaganapan sa Simbahan ng Barasoain sa rito ng Araw ng Kalayaan na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Rizal Park, Lungsod ng Maynila.

Other News
  • Naitalang mga kaso ng cybercrime sa Metro Manila, tumaas sa halos 200% – PNP

    INIULAT ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group na halos nag-triple na ang bilang ng mga kaso ng cybercrime na kanilang naitala sa buong Metro Manila sa unang bahagi ng taong 2023.       Ito ang naitala ng Pambansang Pulisya ilang araw bago ang deadline ng SIM registration sa darating na July 25, 2023.   […]

  • NCR mananatili sa GCQ – Duterte

    INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City. Sa public address ng Pangulo ay nauna nang binasa ni Health Secretary Francisco Duque ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na klasipikasyon ng quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa na inulit naman ng Chief Executive. “Ang […]

  • 9 KATAO, NI-RESCUE NG PCG SA BAYONG AGATON

    SIYAM na katao ang maingat na nailigtas ng search and rescue team ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos matabunan ng landslide sa kasagsagan ng bagyong Agaton sa Barangay Cantagnos, Baybay City Leyte .     Katuwang ng PCG ang iba pang rescue groups sa nasabing operasyon sa mga apektadong residente kabilang ang isang buntis.   […]