• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ang National Public Transportation Coalition (NPTC)

SA unang pagkakataon ay nagsama-sama ang iba’t bang grupo sa sektor ng transportasyon upang itatag ang National Public Transport Coalition (NPTC). Mula sa motorcycle-for-hire, tricycles, pampasaherong jeep, UV express, TNVS, taxi, at bus, trucks, at iba pang uri ng public transport, ay nagkaisang susuporta sa bawat isa pagdating sa mga issues na makakaapekto sa kanilang sektor.

 

Common denominator ay ang issue ng pangkabuhayan at ang kapakanan ng mga mananakay. Sa isang nilagdaang manifesto ay pinuna ng grupo ang kaagarang privatization ng mga Motor Vehicle Inspection System kung saan mas prayoridad ang pagiging compliant ng mga sasakyan sa euro 4 kaysa sa roadworthiness ng sasakyan.

 

Niliinaw din ng grupo ang pagsangayon nila sa modernization ng public transport ngunit imbes na isubo sa kanila ang imported na mga sasakyan ay mas mainam na tulungan ng pamahalaan ang mga gawang pinoy na compliant din naman sa department order ng DOTR.

 

Susuportahan din ng grupo ang bawat laban ng mga kasamang sektor halimbawa ay ang pag – regulate sa motorcycles-for-hire, roadworthiness ng mga trucks, ruta ng mga tricycles, ang pagtutol sa pagwalis ng mga indibidwal franchise para ang kooperatiba at korporasyon ang mag-may- ari ng franchise, pagtutol sa mga sobrang mahal na mga imported jeepneys at pagsulong sa mga locally-made jeeps, atbp.

 

Nilinaw ng coalition na hindi sasawsaw sa pulitika ang grupo at hindi laban sa pamahalaan ang kanilang stand. Maaaring punahin ang mga polisiya ngunit idadaan sa mga dialogues o pag-uusap muna at mga ligal na paraan.

 

Sa kabilang banda ay pupurihin din at susuporta ang coalition sa mga pro-public transport at commuter-friendly policies ng pamahalaan at mga public officials. Welcome din ang coalition sa pagsapi ng lahat ng transport groups na kaisa sa nga paniwala at adhikain ng grupo.

 

Umaasa ang coalition na ang pagtatag ng NPTC ay tutugon sa mga problema ng transportasyon patungo sa mas maalwan at ligtas na public transport sa bansa at sa pangangalaga ng hanapbuhay ng mga Pilipino sa public transport. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Tiyak na magmamarka rin sa kanilang pelikula: DIMPLES, sobrang taas ng respeto kina JAKE at SEAN

    GIVEN na ‘yung eksena sa pagitan nina Jake Cuenca at Sean de Guzman sa 2020 MMFF entry na “My Father, Myself” na magmamarka sa trailer.  Pero sigurado kaming hindi rin pwedeng hindi magmarka ‘yung scene ni Dimples Romana at ‘yung binitawan niyang linya. Sabi namin sa kanya, isa siya sa kilalang mahusay at trusted actress […]

  • Surfing champion ng El Salvador patay matapos tamaan ng kidlat

    Patay matapos tamaan ng kidlat ang 22-anyos na surfing champion ng El Salvador na si Katherine Diaz.     Ayon sa surfing federation ng El Salvador, nasa gitna ng El Tunco ang 22-anyos na surfing champion ng tamaan ng kidlat     Hindi na naagapan ang buhay ng biktima ng ito ay dalhin sa pagamutan. […]

  • MARTIN at LIEZEL, deserving na maging Prince Zardoz at Zandra dahil parehong magaling na kontrabida

    NAKILALA na nga noong Biyernes ng gabi ang dalawang magpapahirap sa Voltes V team na sina Prince Zardoz at Zandra sa inaabangang live action series na Voltes V: Legacy na ihahatid ng GMA Network.     Masasabi naming parehong masuwerte ang napili at malaking break ito kina Martin del Rosario na gaganap bilang si Prince […]