Ang National Public Transportation Coalition (NPTC)
- Published on October 28, 2020
- by @peoplesbalita
SA unang pagkakataon ay nagsama-sama ang iba’t bang grupo sa sektor ng transportasyon upang itatag ang National Public Transport Coalition (NPTC). Mula sa motorcycle-for-hire, tricycles, pampasaherong jeep, UV express, TNVS, taxi, at bus, trucks, at iba pang uri ng public transport, ay nagkaisang susuporta sa bawat isa pagdating sa mga issues na makakaapekto sa kanilang sektor.
Common denominator ay ang issue ng pangkabuhayan at ang kapakanan ng mga mananakay. Sa isang nilagdaang manifesto ay pinuna ng grupo ang kaagarang privatization ng mga Motor Vehicle Inspection System kung saan mas prayoridad ang pagiging compliant ng mga sasakyan sa euro 4 kaysa sa roadworthiness ng sasakyan.
Niliinaw din ng grupo ang pagsangayon nila sa modernization ng public transport ngunit imbes na isubo sa kanila ang imported na mga sasakyan ay mas mainam na tulungan ng pamahalaan ang mga gawang pinoy na compliant din naman sa department order ng DOTR.
Susuportahan din ng grupo ang bawat laban ng mga kasamang sektor halimbawa ay ang pag – regulate sa motorcycles-for-hire, roadworthiness ng mga trucks, ruta ng mga tricycles, ang pagtutol sa pagwalis ng mga indibidwal franchise para ang kooperatiba at korporasyon ang mag-may- ari ng franchise, pagtutol sa mga sobrang mahal na mga imported jeepneys at pagsulong sa mga locally-made jeeps, atbp.
Nilinaw ng coalition na hindi sasawsaw sa pulitika ang grupo at hindi laban sa pamahalaan ang kanilang stand. Maaaring punahin ang mga polisiya ngunit idadaan sa mga dialogues o pag-uusap muna at mga ligal na paraan.
Sa kabilang banda ay pupurihin din at susuporta ang coalition sa mga pro-public transport at commuter-friendly policies ng pamahalaan at mga public officials. Welcome din ang coalition sa pagsapi ng lahat ng transport groups na kaisa sa nga paniwala at adhikain ng grupo.
Umaasa ang coalition na ang pagtatag ng NPTC ay tutugon sa mga problema ng transportasyon patungo sa mas maalwan at ligtas na public transport sa bansa at sa pangangalaga ng hanapbuhay ng mga Pilipino sa public transport. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
P1K pension sa seniors, sumalang na sa Senado
ISINALANG na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na gawing P1,000 ang social pension ng indigent senior citizens mula sa P500. Sa sponsor speech ni Sen. Joel Villanueva, nag-sponsor ng Senate Bill 2506, umaasa siya na mula sa P500 ay magiging P1000 ang monthly pension ng mga indigent senior citizens bilang pagkilala […]
-
Mayor ISKO, walang sagot sa mga paninira sa kanya ni President DUTERTE kahit obvious na siya ang pinatatamaan
WALANG sagot si Manila Mayor Isko Moreno sa paninira sa kanya ni Presidente Rodrigo Duterte. Kahit na hindi pinangalanan, obvious naman si Mayor Isko pinatatamaan ng occupant ng Malacanang na tinanggalan niya ng power na mag-distribute ng ayuda. Instead ay ipinasa niya sa DILG at DSWD ang function na ito. Disorganized […]
-
‘Inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. gagawin sa National Museum’
SA MAKASAYSAYANG National Museum of the Philippines inaasahang gaganapin ang panunumpa sa tungkulin ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang ika-17 pangulo ng bansa sa darating na Hunyo 30, 2022. Dating kilala bilang Old Legislative Building, dito rin ginanap ang panunumpa sa tungkulin ng mga dating pangulo noon gaya nina Manuel L. Quezon […]