• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANG PINAKAMAHALAGANG BOTO NI HON. BONG SUNTAY

Si Congressman Jesus “Bong” C. Suntay ay ang Congressman ng District 4 ng Quezon City at Chairman ng Committee on Human Rights sa House of Representatives.

 

‘NO’ ang boto nya sa Anti-Terrorism Bill.

 

Kung ang Chairman mismo ng Human Rights Committee sa Kongreso ay ni-reject ang Bill na ito, ano ang ibig sabihin? May balita rin sa isang dyaryo na si Congressman Ruffy Biazon ng Muntinlupa, anak ng isang heneral, at original author ng terror bill ay umatras din at binawi ang suporta sa bill.

 

Ano ang kinatatakot ng tao at ang matinding tinututulan laban sa terror bill na ito–‘warrantless arrest, detention for up to 24 hours without a warrant, to be placed under surveillance for 60 to 90 days’.

 

Sino ang hindi matatakot. Lalo na dahil sa panahon ng quarantine na limitado ang galaw ng tao, at ang daming naging kaso ng violation ng human rights at violation ng mga batas at ordinansa na ilan sa mga lumabag ay mismong mga tao sa gobyerno at mga awtoridad – at ang terror bill ay magbigay ng sandata at kapangyarihan pa sa mga taong ito laban sa simpleng mamamayan.

 

Ang sabi ng iba – bakit tayo matatakot sa anti-terrorism bill kung hindi naman tayo terorista?

 

Ang tanong – sino ang magde-determina kung isa kang ‘terorista”?  Kung halimbawa nagreklamo ka dahil hindi ka nakatanggap ng ayuda galing sa iyong barangay captain at dahil na-offend si Kapitan sa reklamo mo at binansagan kang terorista. Huhulihin ka agad. Walang warrant of arrest at pwede ka ikulong ng 24 araw. Wala pa nga ang batas may mga nangyayari nang ganito!

 

At ano ang kinalaman nito sa sektor ng Transportasyon! Malaki at marami!

 

Tandaan na dahil ang transport sector ay kinabibilangan ng mahihirap nating mga kababayan na nagbibigay serbisyo sa mahihirap din nating mga mananakay, sila ang maraming hinaing at kahilingan sa gobyerno. At marami sa kanila ay mga matatapang na ‘aktibista’.

 

At ang batas na ito ay kinatatakutan dahil ang mga aktibista ay binabansagang terorista!

 

Kung may nag-violate ng quarantine regulation, kulong. Kung may mga pinaghihinalaang susuway sa utos ng awtoridad, kulong, at pwedeng bansagang terorista.  Mas malala pa ito sa – “nanlaban kasi”.

 

Hindi ko inasahan ang botong ito ni Cong. Bong pero nagpapasalamat ako at humahanga sa kanyang paninindigan.

 

Abangan ang mga susunod na mga mangyayari. Maging mapagbantay tayo. Mag-isip.  Hindi terorismo ang kalaban natin ngayon, kundi ang COVID-19!  Huwag na sana madagdagan pa ang paghihirap at takot ng ating mga kababayan.

 

Protektahan natin ang mga taong walang kakayahang protektahan ang sarili. Yan ang pagiging makabayan. Hindi ang terror bill na ito.

 

NO to ANTI-TERRORISM BILL. (ARIEL ENRILE-INTON)

Other News
  • Ads November 5, 2021

  • Abu Dhabi Crown Prince kay PDu30: UAE gov’t will take care of OFWs

    NANGAKO si Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan na iingatan ng kanyang gobyerno ang mga Filipino national na naninirahan at nagta-trabaho sa United Arab Emirates (UAE).     Ang pahayag na ito ng Crown Prince ay naipabot kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamamagitan ng phone call.     Ni-renew kasi […]

  • Kinaaliwan ng fans at wish na magsama sa movie: NADINE, dinogshow ang sarili nang maalala ang buhok ni MARICEL

    KINAALIWAN nga ng maraming netizens ang tweet ng multi award winning actress na si Nadine Lustre na kung saan naalala niya ang buhok ni Maricel Soriano sa isang pelikula sa isa niyang iconic nang brand photo.     “I was browsing for Filipino movies tapos nakita ko to… Parang may naalala ako sa hair ni […]