• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANGEL at ANNE, nagbigay ng donasyon sa Pasig pero wala talagang media coverage kaya puring-puri ni Mayor VICO

NAGBIGAY ng tulong na P2 million sa Pasig sina Angel Locsin at Anne Curtis pero wala itong media coverage.

 

 

Hindi nila ipina-press release ang pagbibigay nila ng donation sa Pasig City.

 

 

Kaya naman pinapurihan sila ni idadagdag ni Pasig Mayor Vico Sotto sa vaccination fund ang idinonate nina Anne at Angel na P1 million each.

 

 

Ayon kay Mayor Vico, iniwan lang ng dalawang Kapamilya actress ang check na binigay nila. Walang fanfare at walang media.

 

 

Ni hindi nga raw sila nagkita sabi nito (Mayor Vico) sa kanyang Facebook live.

 

 

Kaya naman pinasalamatan nito sina Angel at Anne na nanguna nga sa Shop & Share program kung saan sila naka-raise ng P6 million at hinati nga nila ito sa limang local government na nakikita nilang nasa tamang process ang pagbibigay ng bakuna kasama na ang Quezon City, Pasig at ang Red Cross.

 

 

***

 

 

ISA sa paborito namin Kapuso star ay si Barbie Forteza.

 

 

Natutuwa kami dahil going strong ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Jak Roberto.  Almost four years na ang relasyon nina Barbie at Jak kaya raw napapag-usapan na rin nila ang kasal.

 

 

Pero aminado naman si Barbie na kailangan nilang paghandaan ang kanilang kasal. Kailangan asikasuhin din nila ang kanilang respective careers. Of course, need din nila mag-ipon for their futurel. Iba na siyempre yung handa ka sa pagpasok sa married life.

 

 

Palagay ni Barbie ay nahanap niya kay Jak ang kanyang forever. Wala naman daw siyang nakikitang rason para isipin na hindi si Jak ang lalaking gusto niyang pakasalan.

 

 

Ang kailangan lang daw talaga ay paghandaan nilang mabuti at planuhin ang paglagay sa estado.

 

 

Kaya naman kapwa thankful sina Barbie at Jak dahil patuloy silang nakakatanggap ng trabaho mula sa GMA Network.

 

 

***

 

 

KAHIT na pinapayagn na ang shooting at tapings, hindi pa rin bukas ang mga sinehan kahit na MECQ na ang Metro Manila.

 

 

“Productions shoots are now allowed under MECQ. Remember: Maximum 50 pax at any given time. Stay safe! Safe Filming PH,” ang annoucement ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño pagkatapos na gawing Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang qua­rantine classification ng NCR Plus (Bulacan, Cavite, Laguna and Rizal) from ECQ.

 

 

Kasama rito ang film, music and TV production shoots sa kanilang on-site operations. ‘Yun nga lang kailangang maging extra careful ang lahat.

 

 

Bagamat nagsimula na magbakuna sa ating bansa, mabagal naman ang proseso dahil naghihintay pa sa pagdating ng vaccine.

 

 

Wala pang inilabas na guidelines ang IATF kung sakaling payagan na ang pagbubukas ng mga sinehan.

 

 

Pero mahirap naman isugal ang ating kalusugan, lalo na’t ayon sa mga experts ay mas mabilis makahawa ang virus.

 

 

Kaya kailangan pa rin ang ibayong pag-iingat para hindi tayo mahawa.

 

 

Isa pa eh nasa loob ng mga mall ang mga sinehan kaya malabo pa itong mag-open bukod pa sa may curfew pa rin from 8:00 p.m. to 5:00 a.m. (RICKY CALDERON)

Other News
  • Pelicans star Williamson napiling isa sa cover ng NBA 2K21

    Napili bilang cover ng NBA 2K21 si New Orleans Pelicans star Zion Williamson.   Ang nasabing anunsiyo ng ay isang araw matapos na unang napiling maging cover si Portland Trail Blazers guard Damian Lillard.   Sa mga susunod na araw ay iaanunsiyo ng NBA kung sino ang pangatlong player na magiging cover ng nasabing NBA […]

  • Philippine sovereign debt, tumaas ng P14.5 trillion

    NAKAPAGTALA ng bagong mataas na record ang  “sovereign debt stock”, “as of end-June” habang lumakas ang pangungutang ng gobyero para tustusan ang  financing requirement nito.     Ito ang makikita sa pinakabagong data mula sa Bureau of the Treasury (BTr).     Pumalo sa P14.15 trillion ang total outstanding debt ng bansa , tumaas ng […]

  • Mag-face mask sa bahay kung may kasamang iba – DOH

    Pormal nang ipinayo ng Department of Health (DOH) sa publiko ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga tahanan kung may kasama kahit na kamag-anak.     Sa limang rekomendasyon na ibinigay ng DOH nitong Sabado ng gabi, kasama dito ang “Mask at home when not alone”.     “Everyone is called on to […]