• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Angelica, nag-comment sa post ni Gregg Homan na tinawag siyang ‘Honn’

MATAPOS ngang ma-link si Angelica Panganiban kay Zanjoe Marudo na sinasabing ‘rumored boyfriend’ na kanilang sinakyan lang, patuloy ang pagko-comment ng netizens sa isa pang photo nila at ang ilan ay hindi talaga naniniwala dahil pareho raw silang may ka-relasyon.

 

Ilang sa naging comment nila:

 

“Kung sinasabi niyong walang respeto si Angge sa gf ni Zanjoe, mas siya naman ang walang respeto sa gf niya.”

 

“Seryoso ka naman teh. May mga bagay na pwede pag usapan ano lalo na kung parte ng trabaho.”

 

“Hindi yata kinagat ang gimik nila.

 

“baks ako kinagat ko hihi kahit alam kong may gf si Z.”

 

“pinaglalaruan nlng nila mga chismosang gaya naten which is fine LOL. wala naman cla kelangan iexplain they’re just being playful.”

 

“Paano kkagatin alam naman nameng wala jusko nakkita ko si zanjoe ikakasal mga 40 or di na. Parang ayaw e or may hinahanap pa sya (more pa).”

 

“May GF na sya at mukang seryoso na sya this time. Baka masyado pa lang bata si GF kaya wait wait muna sila.”

 

“Bata pa kasi ang jowa kaya hinihintay niya muna. Busy pa si gurl at lagi out of the country ang mga pictorials. Mga mid 40s pa siguro magpapakasal kung ang jowa niya ngayon ang pakakasalan. Ang trabaho ni gurl kailangan maganda ang katawan kaya hinahayaan niya mag enjoy ang gf.”

 

“hindi si Angge ang girlfriend niya. Iba ang boyfriend ni Angge, the picture says it. Bale tignan nyo background.”

 

“Mamaya sa pag bibiro niyo totoong magkadevelopan kayo.”

 

“Di ba awkward yung kasi friends sila ni bea?”

 

“Kain nalang kayo ng hopia dahil hindi talaga maging sila. May gf si z and still going strong and may bf na rin si angge although tinatago nya.

 

“hindi sila oy!!! may gf si zanjoe at may bf si angge na tinatago nya. malalaman din natin in the future.”

 

Mukhang tama naman ang netizens at hindi nakaligtas sa kanilang pagtutok ang pagko- comment ni Angelica sa post ni Gregg Homan ng “Come home na” at nag-reply naman ito ng, “just a few more days Honn.” kasama ng tatlong kissing emojis.

 

Kaya ang malaking tanong si Gregg Homan ba ang tinatagong boyfriend ni Angelica?

 

Hindi na naman napigilang mag- comment ng netizens at may nagsasabi pa kamukha daw ni John Lloyd Cruz at sana’y makatuluyan na niya.

 

“Sobrang guapo! Jackpot si angge. Sobrang expressive ng mga facial features nya mamsh!

 

“true. Bagay sila sana mahanap na niya ang forever dyan kay gregg.”

 

“HAHAHA ano pinagsasabi niyo eh di nga kita un mukha! Etchoserang palaka kayo!!”

 

“Hawig nong barkada niya na si Andoy Ranay.”

 

“naku hindi. Bale Australian yang Gregg na tiga Subic. Sana magkatuluyan sila. Wag tarayan teh.”

 

“di siya gwapo. pero mukhang disente sana totohanin siya.”

 

“gwapo yan teh napaka boyish at Australian siya.”

 

“CEO ng mga pagawaan ng mga yacht, barge ganern. May ari din ng hotel ang pamilya. Kilala yan bilang nag rarace sa regatta.

 

“Mabuti naman at non-showbiz.. Happy for angel. Sana this is it.”

 

“Wow! Happy For her :)”

 

“buti naman nakinig din sa mga netizen si Angge na i try yung non showbiz. Just take it slowly.”

 

“kung yan nga yon mukhang mabait si Gregg. Nakilala ata namin yan dati sa Subic. Sila yung may ari nung pagawaan ng yacht etc. na Australian. May background din siya sa theater.”

 

“Hay at last non showbiz na!!! Kung totoo man happy for her.”

 

“This to shall pass”

 

“mukhang mabait si guy at mayaman yan dahil CEO sana magtagal sila at this is it na.”

 

“Deserve ni Angge maging happy. Mabuti na rin at non-showbiz.. Sana eto na. The guy looks decent at stable. Ang importante hindi manloloko.

 

“Kahawig ni JLC.”

 

“Sana si Gregg nga. Mabait yan sobra. Mayaman at kilala ang pamilya sa Subic. Walang sinabi ang mga ex ni angge. Mukha lang meron sila lol. Happy for Angelica.”

 

“Hawig ba ni Lloydie? Patingin pa nga!!”

 

“San niyo nakita ibang pictures? Wala kasi ako IG. Nag google search ako pero parang iba nakita ko lol.”

 

“Kamukha ni John Lloyd!”

 

“Ang tunay na nagwagi hahahaha.”

 

“kakainis nman c Gregg balot na balot. tapos nakaprivate p ig. eh pano ka namin makikilatis? haha feeling barkada ni angge.” (ROHN ROMULO)

Other News
  • Dahil na-witness ang kakaibang passion ng mga volunteers: ANGEL, walang panghihinayang at nagpasalamat kay VP Leni sa inspirasyon

    PARA kay Angel Locsin, wala raw dapat panghinayangan kung sa unofficial result ng election ay halos kalahati na ang percentage ng lamang ni Bongbong Marcos kay VP Leni Robredo.     Isa si Angel sa passionately at nangampanya para kay VP Leni.  At kahit na hindi ang inaasahang turn-out sana ng election ang nagaganap, para sa actress, wala raw […]

  • Pondo ng NTF-ELCAC para sa PNP nuong 2020, ‘di napunta sa anomalya – PNP chief

    Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi napunta sa anomalya ang hindi masyadong nagastos na pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Fund para sa Pambansang Pulisya noong 2020.     Ito ang paglillinaw ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar matapos ang puna sa kanila ng Commission on […]

  • Hindi raw niya alam kung paano ito babayaran: CARLA, nanlumo nang na-charge ang credit card ng higit kalahating milyon

    INIHAYAG ng Kapuso aktres na si Carla Abellana, sa pamamagitan hg kanyang social media platform na Threads nitong November 10, 2023, na natuklasan niyang may nai-charge sa kanyang credit card na halagang 11,087.33 dollars o humigit kumulang sa 620,279.64 pesos.     “Lord, how will i pay for the $11,087.33 that was charged to my […]