• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Angelica, sinakyan na lang ang pagli-link sa kanila ni Zanjoe

NALI-LINK ngayon sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

 

Hindi lang kami sure kung dahil ba sila ang magkapareha sa serye at magkasama sa lock in taping o dahil sa sagot ni Angelica sa kanyang online show na “Ask Angelica” kung sino sa lahat ng leading men niya ang pinaka-favorite niya.

 

O baka dahil sa mga hint na hirit ng mga kaibigan niya na may special someone ang actress sa online birthday show nito?

 

Naging madali na isiping si Zanjoe ang bagong boyfriend ni Angelica dahil sa closeness nila, pero posible rin ang naging pahayag ni Angelica na sa mga naging leading men niya, si Zanjoe raw ang pinaka-favorite niya.

 

Aniya, “Favorite kong leading man, madali lang ‘yan, si nguso, si Zanjoe. Gustong-gusto ko yung rapport naming dalawa. Mapa- comedy, ngayon nasubukan ko siya sa drama.

 

“Masarap kasi kapag kaibigang- kaibigan mo ang katrabaho mo, wala talagang ilangan.”

 

At aware na nga si Angelica na si Zanjoe ang hinihinalang bagong boyfriend niya. Kaya naman sinakyan nito at humirit din.

 

Sa pamamagitan ng kanyang IG stories, pinost ni Angelica ang picture ni Zanjoe habang nasa loob ng sasakyan with caption na, “sinalubong ako ng rumored boyfriend ko.” Kasunod ang mga laugh emojis.

 

*****

 

TAMA ang hula namin na ang local band na December Avenue ang isa sa magiging special guest ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa kanyang “Alden’s Reality The Virtual Reality Concert”

 

Sa December 8 na ito at bahagi ito ng 10th anniversary celebration ni Alden sa showbiz. Kung nagkataon at hindi nangyari ang pandemic, tapos na sana ito at sa Araneta Coliseum sana.

 

Pero hindi man natuloy si Alden sa Big Dome, mas naging malaki pa ang venue niya dahil sa unlimited capacity ng online. Na hindi lang mga nasa bansa ang puwedeng manood, maging mga fans ni Alden sa iba’t-ibang panig ng mundo.

 

At sa mga interesadong makapag- purchase ng tickets, punta lang sa www.GMANetwork.com/syn- ergy at mag-create ng sariling account.

 

*****

 

ANG Kapuso star na si Myrtle Sarrosa yata ang isa sa mga artistang masasabi naming madaling nag-adapt sa new normal.

 

Mapa-online gaming, visible si Myrtle. At kahit sa mga online shops tulad ng Lazada at Shopee kunsaan, do’n niya napu-push ang pagiging ambassadress niya ng Sister’s Sanitary Napkin.

 

At heto nga, bukod sa tinatapos niyang pelikula sa Borracho Film Productions ni Attorney Ferdinand Topacio, ang 26 Hours: Escape from Mamasapano ay may pa-virtual concert na rin siya na produce rin nito.

 

Ang “Myrtle Still Love Me” sa November 28 at 8 p.m. at mabibili ang ticket sa ticket2me.net. Sa mga hindi nakakaalam, isa si Myrtle sa mga artistang ang following ay talagang sa social media o online. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling , pinuri ni Speaker Martin Romualdez

    PINURI ni Speaker Martin Romualdez ang pinaigting at walang humpay na kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling habang pinasalamatan naman nito ang law enforcement agencies dahil sa dininig ng nila ang kanyang panawagan na i-raid ang mga warehouses na pinaghihinalaang nasa likod ng pagho-hoard ng sibuyas at bawang.     “Kinausap natin ang ating law […]

  • Vietnam humiling ng karagdagang araw para sa pinal na desisyon kung matutuloy ang SEA Games

    Humiling pa ng ilang araw ang Vietnam para pagdesisyunan ang kapalaran ng Southeast Asian Games kung ito ba ay matutuloy o kakanselahin.     Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na humirit ng 14 na araw ang Vietnam bago nila pagdesisyunan kung matutuloy ba o iaantala ang torneyo.     Sa […]

  • 70 kaso pa ng Omicron subvariants, natukoy

    PATULOY ang pagtaas ng COVID Omicron nang madagdagan pa ng 70 bagong kaso ng BA.4, BA.5 at BA2.12.1 subvariants, ayon sa Department of Health.     Sa naturang bilang, 43 ang BA.5 cases, kabilang ang 42 local cases at isang Returning Overseas Filipino (ROF).     Lima sa mga bagong kaso ang mula sa Region […]