LALAKI MINASO NG KAINUMAN, KRITIKAL
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
AGAW-BUHAY sa pagamutan ang isang 40-anyos na mister matapos hatawin ng maso sa ulo at katawan ng kanyang kainuman makaraan ang mainitang pagtatalo sa Navotas City.
Ginagamot sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Ernesto Paracale, 40 ng 46 Katipunan St. Brgy. Bayan-bayanan, Malabon City.
Kinilala naman ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang suspek na si Mario Manago, 50 ng Leongson St. Brgy. San Roque na nahaharap sa kasong frustrated murder.
Sa imbestigasyon nina P/Cpl Paul Roma at P/Cpl Dandy Sargento, habang nag-iinuman ang suspek at biktima, kasama ang saksing si Mark Joseph Abuan sa Leongson St. alas-6 ng gabi nang mauwi sa mainitang pagtatalo si Manago at Paracale kaya’t agad silang inawat ni Abuan.
Umalis ang suspek subalit, makalipas ang ilang minuto ay bumalik ito na armado na ng maso saka pinaghahampas sa ulo at kanatawan si Paracale bago mabilis na tumakas nang makitang humandusay sa sahig ang duguang biktima.
Matapos nito, mabilis na isinugod ang biktima sa naturang pagamutan habang naaresto naman ng mga pulis sa manhunt operation ang suspek at nabawi sa kanya ang ginamit na maso. (Richard Mesa)
-
SSS pandemic relief at restructuring program, tapos na
OPISYAL nang nagtapos ang Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program (STMLPCP) o Pandemic Relief and Restructuring Program 5 (PRRP 5) ng Social Security System (SSS), araw ng Sabado, Mayo 14. Ang PRRP 5, nagsimula noong Nobyembre 15, 2021, ay programang pinlano para bigyan ng financial relief ang mga pandemic-hit SSS members. […]
-
Ilang mga NBA players posibleng hindi na makasali sa Olympics dahil sa COVID-19 pandemic
Hindi pa matiyak ni Golden State Warriors coach Steve Kerr kung mayroong mga NBA players na maglalaro sa Tokyo Olympics. Sinabi ni Kerr na tatayo bilang assistant coach ni Gregg Popovich ng USA Basketball Team, na wala itong idea kung paano ang takbo ng nasabing torneo. Dagdag pa nito na wala pa kasi […]
-
Opisyales ng DOTr at LTO maaaring kasuhan ng plunder
Maaaring makasuhan ang mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) dahil sa alegasyon ng maanomalyang pagbili ng vehicle license plates. Ayon kay Sen. Richard Gordon ng Senate Blue Ribbon committee na siyang head na sila ay patuloy na kumakalap ng mga sapat na ebidensiya upang magbigay sila ng […]