ANGELINE, nagiging emosyonal pero nag-let go na dahil mas peaceful na ang namayapang ina
- Published on July 20, 2021
- by @peoplesbalita
NAGING emotional si Angeline Quinto nang sariwain ang alaala ng kanyang namayapang ina sa contract signing cum presscon ng kanyang bagong endorsement na Ayesha Beauty Products noong Biyernes ng hapon sa Romulo’s Café.
Aminado si Angeline na masyadong siyang naapektuhan sa pagkamatay ng kanyang ina.
“Pero sinabi ko kay Mama na tapos na ang mission niya rito sa mundo at iyon ay to make sure na maayos na ako. Mas peaceful na si Mama kung nasaan man siya ngayon kaya nag-let go na ako,” wika ng singer.
Very thankful si Angeline kina Mr. Michael Agmata at Ms. Armie Rosale Agmata sa tiwalang ibinigay sa kanya para maging first endorser ng Ayesha Beauty Products.
Dahil sa inspirasyong dulot ng awiting “Patuloy ang Pangarap” ni Angeline kaya lalong nagsumikap si Ms. Armie, ang CEO ng Ayesha Beauty Products, na itaguyod ang kanyang negosyo ng pagbebenta ng produktong pampaganda.
“Nag-umpisa rin ako sa hirap at marami ang pinagdaanan sa buhay tulad ni Angeline pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pangarap ko at hindi nakinig sa mga negative na binabato sa akin.
“Naging inspirasyon ko talaga ang kanta niya kaya masaya ako na siya ang first endorser naming dahil ang kwento niya mismo ay sumasalamin sa naging journey ko sa pagtataguyod ng Ayesha,” sabi ni Ms. Armie.
Overwhelmed naman si Angeline na siya ang napili at pinagkatiwalaan ng ABP Corp. Na-touch din ang singer-actress sa naging papel ng awitin niya sa buhay ni Ms. Armie.
“Masaya ako siyempre sa endorsement na ibinigay sa akin pero iba pa rin ‘yung fulfillment noong malaman ko na may naantig sa kanta ko. Bilang singer iyon talaga ang gusto naming, ‘yung maka-connect sa puso ng mga nakikinig sa amin.
“‘Yung kay Ms. Armie, higit pa roon kasi naging motivation para iangat ang buhay niya at makatulong pa sa ibang tao,” paliwanang ni Angeline.
“Sobrang relate ako sa kwento ni Ms. Armie kaya masaya ako na maging bahagi ng Ayesha family dahil talagang pinaghirapan at dugo’t pawis ang puhunan nila para maitatag ito. Bukod sa epektibo ang kanilang produkto, may puso sila para maglingkod at talagang bukal sa kalooban nila na mapaganda ang kababaihan o maging mga kalalakihan,” dagdag ni Angeline.
Ipinagmamalaki ng Ayesha ang kanilang rejuvenating kit na mabibili lang sa halagang P250. May laman itong Kojic soap, rejuvenating cream at toner, collagen with elastin cream at sunblock gel cream.
Nawala man ang kanyang ina, nakahanap naman si Angeline ng bagong pamilya sa Ayesha Beauty Products.
***
TYPE ni Gab Lagman ng gumawa ng isang super hero movie.
With his height and built, pwedeng-pwede nga na gumanap na super hero ang mainstay ng Init sa Magdamag.
“Sa tingin ko we need a super hero movie at this time to inspire hope sa mga tao,” pahayag ni Gab.
Given a choice, sabi ni Gab gusto niyang gampanan ang role ni Captain Barbell. Ito ang kanyang top choice. Isa pang role na gustong gawin ay Lastikman.
Sabagay, mahilig naman sa challenges si Gab. His role as Kiko sa Init sa Magdamag is something new for him. Exact opposite daw ito ng kanyang personality.
Although, initially ay nagkaroon siya ng hesitation to do play Kiko, naisip niya na mas magandang harapin niya ang challenge of doing a role na malayo sa kanyang real self.
“At first, I really questioned myself kung kakayanin ko ba ang role offered to me. Mabigat ito kumpara sa role ko sa ‘Halik’. But I am glad that I accepted it. Besides, malaki ang tulong na naibibigay sa akin ni Alexa in doing my role,” sabi pa ni Gab.
(RICKY CALDERON)
-
Gugulatin ang mga fans sa ginawa sa ‘Broken Blooms’: ROYCE, hinangaan sa makatotohanang pagganap sa nakapag-iinit na eksena
HINDI matapus-tapos ang mga achievements ni Dingdong Dantes. Panibagong karagdagan sa listahan ng mga accomplishments ng GMA’s Primetime King at ‘Family Feud’ host ang pagiging honorary member niya sa Philippine Military Academy. Base sa post ni Dingdong sa kanyang Instagram account, siya ay isa na ngayong honorary member ng PMA Sanghaya […]
-
‘Man in black’ sa CCTV footage ng Jolo shooting, iniimbestigahan na ng NBI
Kwestiyonable ngayon ang nasaksihan sa CCTV footage na umano’y may ‘man in black’ na gumalaw sa katawan ng isang sundalong napatay sa pamamaril sa Jolo, Sulu. Sa ulat, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naturang CCTV footage ng insidente. Makikita sa video ang lalaking nakaitim na nakasuot ng sumblero na […]
-
DATING PULIS, INARESTO NG NBI
ISANG dating pulis ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y pangongolekta ng pera gamit ang pangalan ni retired PNP Chief General Camilo Cascolan. Nabatid na mismong si Cascolan ang naging tulay upang maaresto ang suspek sa pamanagitan ng entrapment operation. Matatandaan na nagbabala noon si Cascolan […]