Angkas at Joyride malapit nang makapag-operate muli
- Published on October 21, 2020
- by @peoplesbalita
NANINIWALA si Presidential Spokesperson Harry Roque na mabibigyan ng otorisasyon ang Angkas at Joyride para muling makapag-operate at makabiyahe.
Ayon kay Sec. Roque, ngayong nasa Kongreso na ang bola para makapagpalabas ng Congressional resolution sa rekomendasyon ng IATF para makabiyaheng muli ang Joyride at Angkas, naniniwala aniya siyang itoy mapagbibigyan.
Nasa ilalim aniya tayo ng national emergency lalo’t 50% ng mga negosyo gaya dito sa Metro Manila ang napahintulutan ng magbukas pero nasa 30% lamang ang transportasyon.
“Ako po ay naninindigan nga na bagama’t binato uli ng IATF sa Kongreso iyan na sa pamamagitan ng pag-iisyu ng panibagong congressional resolution ay tingin ko naman po, kapag national emergency na kagaya nito ay pupuwede namang ma-authorize na iyang ganiyang angkas lalo na ang ekonomiya natin sa Metro Manila ay bukas nang 50% pero 30% nga lang po ang ating transportasyon ‘no,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Sa kabilang dako, naniniwala rin si Sec. Roque na mapagbibigyan ng Committee on Transportation ang hiling na makapag- isyu ng resolution pero sana ay magawa ito sa lalong madaling panahon.
“So pinag-aaralan din po iyong emergency powers ng Presidente. Bagama’t ang pagkakaintindi ko naman, handa naman po ang Kongreso, iyong Committee on Transportation, na mag-isyu ng resolution para nga po matuloy iyong pilot study na naging dahilan kaya nakapag-operate initially itong ang Angkas at saka JoyRide,” aniya pa rin.
Hindi aniya maitatanggi na noong unang napahintulutang makapag- pilot study ang dalawang motorcycle TNVS ay marami talagang commuters ang tumangkilik sa Angkas at Joyride.
“ Talaga naman po mula noong sila ay nag-pilot study ng Angkas at JoyRide, halos lahat po talaga ng ating mga mananakay ay sumakay na diyan sa Angkas,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Ads January 25, 2020
-
P2-B pondo inilaan ng gobyerno para sa relief ops – Defense Chief
Nasa P2 bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan para sa relief efforts sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette. Ito ang inihayag ni Defense Secretary at NDRRMC Chairman Delfin Lorenzana kasabay ng pagtiyak na ang lahat ng mga nangangailan ay pagsisilbihan sa takdang panahon. Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang kalihim na […]
-
‘Safe, secure PH’, maiiwang pamana ni Pangulong Duterte- Malakanyang
SINABI ng Malakanyang na ang maiiwang pamana ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga Filipino ay ang “safe and secure” na Pilipinas. Ito’y matapos na sabihin ng Commission on Human Rights (CHR) na ang iiwanang pamana ng Pangulo ay ang gobyernong nabigo na magampanan ang obligasyon para protektahan ang karapatang-pantao at mayroong panghihikayat […]