• April 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Animam nasa EWP na

Desidido si Jack Animam na makapasok sa Women’s National Basketball Association (WNBA) matapos sumama sa East West Private (EWP).

 

 

Ang EWP ang parehong agency na humahawak at nagsasanay kina Kai Sotto, Kobe Paras at Cholo Anonuevo sa Amerika.

 

 

Kaya naman pumirma na rin si Animam sa EWP na makakatulong nito upang maabot ang kanyang inaasam na WNBA dream.

 

 

Agad na sumalang sa ensayo si Animam kasama ang mga trainers at c­oaches ng EWP.

 

 

“Family uplifting Family. No one left behind. If you BELIEVE in yourself and have dedication and pride – and never quit, you’ll be a winner. The price of victory is high but so are the rewards,” ayon sa post ng EWP sa social media.

 

 

Sariwa pa si Animam sa matagumpay na kam­panya sa Taiwan kung saan tinulungan nito ang Shin Hsin University (SHU) na makuha ang kampeonato sa University Basketball Alliance.

 

 

Nagtala ang 6-foot-2 Gilas Women’s standout ng averages na 17.1 points, 14.1 rebounds, 2.6 steals at 1.9 blocks.

 

 

Bahagi rin si Animam ng Gilas Women’s na makasungkit ng gintong medalya sa 3×3 at 5×5 sa 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa Manila.

Other News
  • ‘You did a good job: Pdu30, pinasalamatan ang mga Filipino SEA Games participants

    PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga atletang Filipino at mga coaches na nagpartisipa sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam mula Mayo 12 hanggang 23.     “The results of the Philippine contingent’s participation in the SEA Games, be it “with or without medals,” ang masayang pahayag ng Pangulo.     […]

  • Duque sa mandatory na pagsuot ng face shield: ‘We are guided by science and evidence’

    Dinepensahan ni Health Sec. Francisco Duque III ang utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na nagma-mandatong magsuot na ng face shield ang publiko sa lahat ng pagkakataon, lalo na kung nasa labas ng bahay.   “We are guided by science and evidence,” ani Duque sa press briefing nitong Miyerkules.   Inulan ng reklamo at […]

  • SSS calamity assistance sa ‘Paeng’ victims, binuksan na

    BINUKSAN na kahapon ng Social Security System (SSS) ang aplikasyon para sa calamity assistance ng mga miyembro at pensioners nito na nasalanta ng bagyong Paeng.     Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino, ang SSS Calamity Assistance Package ay kabibilangan ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa mga miyembro […]