• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinalintulad kung paano gawin ang isang Pinoy breakfast: Sen. IMEE, ipinakita kay BORGY at netizens ang proseso sa paggawa ng batas

KAKAIBANG family bonding ang handog ni Senadora Imee Marcos at kanyang panganay na si Borgy Manotoc, sa isang bagong vlog na libreng mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel, in-upload na ito kahapon, Biyernes, Enero 13.

 

 

Para sa espesyal na vlog entry na ito, magpapahinga muna sina Sen. Imee at Borgy sa kanilang masaya at nakatatawang mga adventures dahil pag-uusapan nila ang mga basics ng paggawa ng batas na mahalagang malaman ng bawat Pilipino.

 

 

Sa tulong ng ang social media personality na si Juliana Parizcova-Segovia, ipinakita ng Senadora kay Borgy ang proseso kung paano gumawa ng batas gamit ang step-by-step procedure kung paano gawin ang Pinoy breakfast staple na longganisa bilang isang relatable na metaphor.

 

 

Dahil halos 500 panukalang batas na ang kanyang nai-akda sa Senado, ipinaglalaban ni Imee ang mga kababaihan; ang gender equality; kultura at sining; ang kahirapan at gutom at pati na rin ang kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda na ilan lamang sa mga adbokasiya na malapit sa kanyang puso.

 

 

Nais lagyang ng konting wit at kasiyahan ng vlog upang mapa-simple ang konsepto ng pagsusulat ng batas para sa mas maintindihan ng mga loyal YouTube subscribers ni Sen. Imee ang isa sa mga trabaho niya sa Senado, sa isa sa
kanyang pinaka-enlightening at informative vlog entries to date.

 

 

Aalamin ang basics ng lawmaking at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mojdeh hataw pa ng 3 ginto sa Iloilo

    WALANG makapigil sa matikas na kamada ni Brent International School standout Micaela Jasmine Mojdeh nang sumisid pa ito ng tatlong gintong medalya sa 2022 National Invitational Sports Competition kahapon sa Iloilo Sports Complex.     Binuhat ni Mojdeh ang Calabarzon Region sa matikas na kampanya nito matapos masikwat ang gintong medalya sa girls’ 400m IM […]

  • Ads September 2, 2023

  • Vice Ganda, isa sa nag-comment at sobrang excited: PAOLO, perfect host ng ‘Drag Race Philippines’ at pinasilip na ang first look

    SI Paolo Ballesteros nga ang napili na mag-host ng “Drag Race Philippines” na magsisimula nang mapanood sa August 17.   Ni-repost ni Paolo ang official social media post na may caption na, “MABU-HEYYY! Meet your HOST of @dragraceph: @pochoy_29.     “Start your engines, #DragRacePH premieres August 17th on @wowpresentsplus worldwide (except Canada) and @cravecanada […]