Anomalya sa ‘TUPAD’ program ng DOLE pina-iimbestigahan sa Kamara
- Published on November 14, 2022
- by @peoplesbalita
PINAIIMBESTIGAHAN ni Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang napaulat na umano’y katiwalian ng ilang organisasyon sa “Tulong Panghanapbuhay sa mga Disadvantaged/Displaced Workers” o TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa inihaing House Resolution No. 506 ni Rep. Ordanes kanyang hinimok ang angkop na Komite na imbestigahan ang natanggap nilang reklamo mula sa ilang mga senior citizen.
Batay sa reklamo na nakarating sa mambabatas na ilang senior citizen organizations na humihingi umano ng “membership fee” para makasama sa TUPAD Program.
Sa sandaling naging miyembro na ang senior citizens bilang beneficiary ng programa, inoobliga na sila na magbigay umano ng kalahati ng halagang natanggap mula ng mga ito sa TUPAD.
Mas matindi pa dito ay binabantaan ang mga seniors na tatanggalin sa programa kapag hindi sumunod sa utos ng organisasyon.
Dahil dito, nababahala si Rep. Ordanes sa modus na ito na malinaw na taliwas sa mandato ng TUPAD Program.
Binigyang-diin ng mambabatas dapat mahinto at papanagutin ang mga nasa likod na anomalya at katiwalian. (Daris Jose)
-
Dahil sa karangalang ibinigay sa mga filipino at sa bansa: Malakanyang, nagpasalamat kay Pacquiao na opisyal nang namaalam sa boksing
NAGPAABOT ng pasasalamat ang Malakanyang kay Sen. Manny Pacquiao na opisyal nang namaalam sa larangan ng boksing. “Well, nagpapasalamat tayo kay Senator Pacquiao because he has honored the country with his many successes and we share in the joys of his triumps as well as in his defeats,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. […]
-
187,000 pamilya mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program, naalis na sa listahan
INIULAT ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umaabot na sa 187,000 pamilya na nasa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang naalis na. Nagpaliwanag naman si DWSD spokesman Assistant Secretary Romel Lopez na ang naturang bilang ay maituturing na graduate na bilang “non-poor.” Lumalabas din na […]
-
DOH pinag-iingat ang publiko vs pekeng contact tracers ng COVID-19
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga nagpapanggap na miyembro ng contact tracing team ng ahensya para sa close contacts ng COVID-19 cases. Sa isang advisory sinabi ng kagawaran na nakatanggap sila ng mga ulat ukol sa ilang nagpakilalang contact tracers na nanghingi ng personal na impormasyon at pera sa […]