• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH pinag-iingat ang publiko vs pekeng contact tracers ng COVID-19

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga nagpapanggap na miyembro ng contact tracing team ng ahensya para sa close contacts ng COVID-19 cases.

 

Sa isang advisory sinabi ng kagawaran na nakatanggap sila ng mga ulat ukol sa ilang nagpakilalang contact tracers na nanghingi ng personal na impormasyon at pera sa mga biktima.

 

“We have received reports of citizens getting calls from certain individuals misrepresenting themselves as members of the DOH Contact Tracing Team.”

 

“The public is advised to be vigilant and not entertain these calls. Do not put your security at risk.”

 

Inakyat na raw ang DOH sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation ang ulat para masimulan na rin ang imbestigasyon.

 

Kinondena ng Health department ang mga nasa likod ng pagpapanggap bilang contact tracing team. Tiniyak ng ahensya na kakasuhan nila ang mga ito kapag napatunayan ang mga akusasyon.

 

Nilinaw ng DOH na walang contact tracing team ang kagawaran. Kaya kung may kakatok o magpapakilala na miyembro ng LGU contact tracing team sa bawat bahay ay dapat masigurong may endorso sila mula sa Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).

 

Paalala rin ng ahensya na huwag magbibigay ng personal na impormasyon kapag nakatanggap ng kahina-hinalang tawag; i-save ang numero ng tumawag at agad i-report sa hotline ng DOH.

Other News
  • Filipino-Japanese Judoka Kiyomi Watanabe hindi makakasama sa 31st SEA Games

    Hindi makakasama si Filipino-Japanese judoka Kiyomi Watanabe sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi Vietnam.     Sinabi ni Philippine Judo Federation secretary-general Dave Carter na hindi pa gaanong gumaling si Watanabe mula sa kaniyang injury.     Dagdag pa nito na patuloy ang paggaling ng 25-anyos na Japan-based judoka mula sa anterior […]

  • Ads October 26, 2023

  • Tuloy lang sa ensayo Pacquiao dedma sa demanda!

    Ipinagkibit-balikat lang ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang demanda ng Paradigm Sports dahil nakasentro ang kanyang atensiyon sa pukpukang ensayo para sa kanyang August fight.     Tuloy lang sa training camp si Pacquiao kung saan nagpost pa ito sa kanyang social media accounts ng ginagawa nitong workout kasama si trainer Buboy Fernandez.   […]