• November 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Anthony Davis, sumabak na uli sa ensayo; makakasama rin ng Lakers sa seeding games opener vs Clippers

Makakasama na ng Los Angeles Lakers si superstar Anthony Davis sa kanilang seeding games opener kontra sa karibal nilang Los Angeles Clippers.

 

Una rito, hindi nakasama si Davis sa ensayo ng Lakers nitong nakalipas na araw matapos ang natamo nitong eye injury sa isa sa mga scrimmage ng koponan.

 

Pero ngayong bisperas ng pagpapatuloy muli ng mga laro sa NBA season, nakahabol si Davis para makasali sa team practice.

 

Kapansin-pansin din ang pagsusuot ng 6-foot-10 forward ng protective eyewear.

 

Ayon kay Davis, matapos na makasama ito sa full practice ng team, sasailalim itong muli sa evaluation ng mga doktor para masuri kung maaari na ba itong makapaglaro.

 

Batay din aniya sa plano ng koponan, sasalang ito sa kanilang showdown ng Clippers bukas, araw ng Biyernes (Manila time).

 

“That’s the plan,” wika ni Davis. “I’ll get evaluated again tonight by one of the doctors here and kind of get an update from them.

 

“That’s the plan, for me to play.”

Other News
  • PDU30 hinikayat ang mga survivors ng bagyong Odette na huwag gamitin sa bisyo ang cash aid mula sa gobyerno

    HINIKAYAT President Rodrigo Roa Duterte ang mga survivors ng bagyong Odette na umiwas at huwag gamitin ang cash assistance ng gobyerno sa bisyo.   Ang mga low-income residents ng mga lugar na hinagupit ng bagyong Odette ay makakakuha ng P1,000 na cash aid mula sa national government. Hanggang 5 miyembro ng pamilya ang makakakuha ng […]

  • Kamara inatasan ang PNP na arestuhin si Quiboloy matapos ma- cite-for-contempt

    INATASAN na ng House of Representatives ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy matapos i-cite-for-contempt ang embattled religious leader dahil sa hindi pa rin pagsipot nito sa imbitasyon ng Committee on Legislative Franchises.     Unanimous ang naging boto ng mga miyembro ng House Committee on Legislative […]

  • Apat na broadcasting company, pinagkalooban ni PDu30 ng prangkisa

    APAT na broadcasting company ang pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng prangkisa.     Inaprubahan ni Pangulong Duterte na makapag- operate sa loob ng 25 taon ang mga broadcasting company gaya ng Soundstream broadcasting corporation, Nation Broadcasting Corporation, GV Broadcasting System o mas kilala bilang Cignal TV at sa Real Radio network.     […]