ANTHONY HOPKINS, nagpasalamat at ‘di inaasahang mananalo ulit ng Best Actor sa Oscar Awards
- Published on April 29, 2021
- by @peoplesbalita
NAGPAABOT ng kanyang pasasalamat ang veteran actor na si Anthony Hopkins pagkatapos niyang manalo bilang best actor sa nakaraang 93rd Academy Awards or the Oscars.
Nanalo si Hopkins para sa pagganap niya bilang isang grandfather na may sakit na dementia sa pelikulang The Father.
Ito ang second Oscar best actor ni Hopkins after 30 years. Una siyang nanalo ay para sa 1991 film na The Silence of the Lambs.
Si Hopkins lang ang absent sa live telecast ng Oscar Awards sa Los Angeles dahil nasa bansang Wales ito kasama ang kanyang pamilya.
Hindi nga raw niya inaasahan na mananalo siya ulit ng Oscar. Six times siyang na-nominate at kabilang rito ang mga pelikulang Remains of the Day, Nixon, The Two Popes at Amistad.
Sa kanyang Instagram ay nag-post ang 83-year old actor ng kanyang thank you video message at nag-pay tribute siya sa yumaong aktor na si Chadwick Boseman na hinulaang mananalo ng best actor para sa pelikulang Ma Rainey’s Black Bottom.
“Good morning. Here I am in my homeland in Wales. At 83 years of age, I did not expect to get this award, I really didn’t. I’m very grateful to the Academy, and thank you. And I want to pay tribute to Chadwick Boseman, who was taken from us far too early. And again, thank you all very much. I really did not expect this, so I feel very privileged and honored. Thank you.”
Hopkins is now the oldest person to ever win an Oscar for acting.
***
NAGPAABOT ng kanyang suporta si Miriam Quiambao para kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na malapit nang mag-compete sa 69th Miss Universe pageant in Miami, Florida.
“Praying for you,” caption ni Miriam sa ni-repost niyang photo nila ni Rabiya mula sa isang pageant website.
Parehong licensed physical therapist at cum laude graduate sina Miriam at Rabiya.
Quiambao finished first runner-up in Miss Universe 1999, which was won by Mpule Kwelagobe of Botswana.
Isa ng inspirational speaker si Miriam kasama ang husband niyang si Ardy Roberto. Kasalukuyang buntis si Miriam sa second baby nila ni Ardy.
She is expecting another baby boy this year. (RUEL J. MENDOZA)
-
Dahil sa 12 days suspension ng ‘It’s Showtime’: Chair LALA, natulog at nagising sa mga mura at sumpa ng netizens
NAKU, ‘under fire’ ang MTRCB ngayon dahil sa ipinatang nilang 12 airing days suspension sa ‘It’s Showtime.’ Hindi ito pumabor sa netizens, lalo na siyempre sa mga madlang people. Mas marami ang naniniwala na hindi raw makatarungan ang ginawang suspension sa ‘It’s Showtime’, kahit pa isinama na rin ang diumano’y iba pang […]
-
Kabisera ng marathon sa Pilipinas
LUMALABAS na ang Lalawigan ng Cebu ang puwedeng kilalaning ‘Marathon Capital of the Philippines’. Nabatid ito ng OD mula sa mga na-Google na impormasyon, ang ilan ay sa mga nakuha ko pang detalye sa pagko-cover ng aking amang marathoner na si Ramil Cruz sa mga marathon sapul noong huling bahagi ng dekada 80s hanggang […]
-
Konstruksyon ng MMSP umuusad ayon sa timeline
SA ISANG ginawang inspeksyon ng Department of Transportation (DOTr) kasama ang mga miyembro ng media ng Metro Manila Subway Project (MMSP) sa lungsod ng Valenzuela ay nakitang ang konstruksyon ay umuusad ayon sa timeline na binigay ng DOTr. Kasama sa inspeksyon na pinamumunuan ni DOTr Secretary Jaime Bautista, kanyang sinabi na inaasahang matatapos […]