• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Anti-Silos Class’, patok na patok at maraming nag-enroll… JAK, inaming napag-uusapan na nila ni BARBIE ang kasal

INAMIN ni Kapuso actor Jak Roberto na napag-uusapan na nila ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang kasal. 

 

 

Sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa ‘Fast Talk with Boy Abunda, natanong si Jak ng, “You’re 29, Barbie is 26. Napapag-usapan na ang kasal?”

 

 

Sagot naman ng aktor, “May mga times na, Tito. Pero siyempre, parang mga biruan pa lang namin.”

 

 

Pero sa ngayon ay focus muna sila sa kanya-kanyang career at walang pakialaman sa kanilang diskarte.

 

 

“Kasi may kanya-kanya pa po kaming priorities. Siya rin, iba ‘yung passion niya sa trabahong ‘to, sa showbiz,” pahayag ng ‘Pambansang Abs’.

 

 

“Grabe, sobrang wild po talaga ng imagination niya na aabutin niya pa ‘yung kay Tita Gloria Romero na career. Ganu’n po ang mindset niya,” dagdag pa ni Jak.

 

 

Dedma na rin si Jak sa pangnenega ng mga bashers sa kanya, ganun sa tambalan nina Barbie at ni David Licauco, na pinu-push talaga ng GMA-7.

 

 

Nalulungkot lang siya kapag nakababasa ng mga negative at hate comments mula sa mga fans.

 

 

“Nakakalungkot lang po kasi may mga comments na parang pinepersonal na. Minsan nakakapagsabi na ng hindi magandang salita,” ang pahayag ni Jak sa naturang interview.

 

 

Napag-usapan ang viral at trending “anti-silos” memes ng Kapuso actor, at nakarating na ang kanyang “Anti-Silos Class” sa Jose Rizal University.

 

 

Dinala na nga ni “Prof Jak” ang kanyang Anti-Selos dance moves sa stage ng JRU kung saan hiningan din siya ng love advice ng mga estudyante.

 

 

“Nagseselos ka, wala kang karapatan? Baka kailangan lang ng label ‘yan?” ang payo ni Jak sa isang estudyante ayon naman sa isang report.

 

 

Balitang marami nang nag-enroll, kasama na ang mga Kapuso stars.

 

 

Samantala, mapapanood na uli si Jak sa afternoon drama series ng GMA na “The Missing Husband,” simula sa Lunes, Agosto 28.

 

 

Kasama niya sa serye sina Yasmien Kurdi, Sophie Albert, Joross Gamboa, at Rocco Nacino.

 

 

Starring din sa action-suspense drama sina Nadine Samonte, Shamaine Buencamino, Michael Flores, Maxine Eigenmann, Cai Cortez, Bryce Eusebio, at Patricia Coma.

 

 

Abangan ang world premiere ng “The Missing Husband” na mula direksyon ni Mark Reyes (Mondays to Fridays at 4:05 p.m. on GMA Afternoon Prime and Pinoy Hits).

 

 

Sina Barbie at David naman ay muling mapapanood sa GMA Telebabad  sa TV remake ng “Maging Sino Ka Man” na pinagbidahan noon nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Robin Padilla.

 

 

Sila ang papalit sa timeslot ng “Voltes V: Legacy” na magtatapos na ngayong Setyembre.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Go, may buwelta naman kay Gordon

    Nagmistulang domino effect na ang pasaring ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang senador.     Dahil matapos ang mga panibagong banat ng presidente, bumuwelta naman agad si Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon.     Bagama’t hindi raw siya natitinag sa personal na mga atake, hindi raw naman niya mapigilang hindi sumagot para […]

  • DOJ SPOX, nagbitiw

    DAHIL umano sa “serious reasons” kaya nagdesisyong magbitiw sa puwesto si Justice Usec. Markk Perete.   Sa mensahe ni Perete sa media ngayong umaga, nagsumite na siya ng resignation sa Department of Justice o DOJ at ito ay epektibo umano ngayong araw.   Wala namang iba pang detalyeng ibinahagi ni Parete hinggil sa kanyang resignation. […]

  • Pfizer humingi na ng ’emergency use authorization’ para sa bakuna vs COVID

    Inanunsyo ng kumpanyang Pfizer na nakatakda na silang magsumite ng emergency use authorization para sa kanilang COVID-19 vaccine.   Ayon sa CEO ng Pfizer na si Albert Bourla, ito ay matapos makakolekta na sila ng safety data na siyang requirement ng US Food and Drug Administration (FDA).   Gayunman, hindi pa raw nito matiyak kung […]