• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Antibody testing sa NBA, ipatutupad

Upang masiguro na walang palpak sa ginagawang coronavirus testing, idinagdag ng National Basketball Association (NBA) sa kanilang mahigpit na health protocols ang antibody testing bago muling magsimula ang liga.

 

Ayon sa NBA, ang dead coronavirus cells ay made-detect din sa COVID-19 testing at maglalabas ito ng positive result dahilan para hindi paglaruin ang isang player at ilagay sa quarantine.

 

Kung magkakaroon muna ng test para sa antibody, matutulungan nitong malaman kung ang manlalaro ay asymptomatic o dati nang gumaling mula sa COVID virus disease.

 

Nag-aalala umano ang NBA sa mga false positive test  ng manlalaro, lalo na sa mga star player habang papalapit ang playoffs.

 

Bumuo ang liga ng 22 teams na maglalaro sa central Florida, sa muling pagbubukas ng liga sa July 30, na maglalaro ng tig-eight regular-season games, papuntang playoffs na bubuin ng 16 teams.

 

Unang sasabak sa laro sa ESPN Wide World of Sports Complex ang Utah Jazz kontra New Orleans Pelicans at susundan nang salpukan ng Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers.

 

Sa inilabas na memo may apat na steps na dapat kompletuhin bago payagang maglaro ang isang team.
Una, kailangan ng 14 days bago payagang muling maglaro ang nagpositibo sa virus. Pangalawa, kailangan ng manlalaro ang dalawang negative test sa loob ng 24-hour period. Pangatlo, kailangan dumaan sa antibody test ang manlalaro sa loob ng 30 days at ang pang-huli dapat magkaroon ng negative na coronavirus test bago makisalamuha at magkaroon ng physical contact sa iba.

 

Ayon sa ulat, ang lahat ng resulta ay nire-review ng infectious disease expert at epidemiologist  na nagtatrabaho sa NBA at sa players’ association ng liga

Other News
  • Maiksing curfew, mahabang mall hours asahan – MMDA

    Payag ang mall owners na pahabain ang kanilang operating hours ngayong Christmas season, upang makatulong sa pag-iwas sa mabigat na trapiko sa mga lansangan, ayon ito kay Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos nitong Lunes.     Sinabi ni Abalos na pataas nang pataas ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA na magbubunga […]

  • Willy, balitang sumama ang loob sa ‘di pagtanggap ng offer: HERLENE, magti-taping na ng first teleserye sa GMA after ng beauty pageant

    KUNG meron palang isa sa kinagigiliwang panoorin ang mga netizens sa reality game show na “Running Man Philippines” kina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Buboy Villar, si Buboy iyon.     Sabi ng isang netizen, “paborito ko siyang agent among the seven, sa kabila kasi […]

  • Ads May 18, 2022