ANYARE RFID!
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
Perwisyo at pasakit ang dinulot sa mga motorista sa unang araw pa lang ng “One Hundred Percent RFID” campaign sa mga tollways. Madaling araw pa lang, ilang kilometro na ang traffic papasok at palabas sa mga tollways.
Sa report ng media ay umabot sa limang kilometro ang haba ng linya ng traffic sa NLEX at ganun din sa ibang tollgates. Umusok sa galit ang mga motorista sa social media. Anyare ba kase? Sabi noon ng DOTr ay sapat na ang binigay nilang deadline hanggang December 1, 2020 sa mga motorista kaya wala nang cash lanes na bubuksan pero dahil sa perwisyo ay nagbukas pa rin ng cash lanes para umusad nga ang kalbaryong traffic.
Heto ang sinabi naming sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) noon pa – na maglagay pa rin ng cash lanes hangga’t hindi naaayos ang NAPAKARAMING PROBLEMA SA RFID TULAD NA LANG NG WALANG INTER-OPERABILITY NG MGA TOLLWAYS, PAGSASAAYOS NG MGA BARRIERS, TUGON SA MGA SUMBONG SA MGA NAWAWALANG LOAD , PAGLALAGAY NG STICKERS at marami pang iba. Pero talagang kumpiyansa ang DOTr at Toll Regulatory Board (TRB) na ituloy na ang cashless sa tollways.
Naglabas pa ng mga paliwanag ang DOTr sa mga katanungan ng mga motorista. Ngayon ang motorista patuloy na anagtatanong – ANYARE? Sisisihin nila na kasalanan ng ibang motorista dahil mahilig sa “last minute” pero teka diba’t ang DOTr mismo ang nag-anunsiyo na WALANG DEADLINE ang pagkakabit ng RFID stickers at walang hulihan hanggang Enero ng 2021?
Kung ganun walang last minute na dapat isisi. At kung sasabihin naman na “birth pains” lang yan ng bagong sistema ay mukhang “nakunan” yata ang sistema at hindi lang birthpains ang nangyayari. Pakiusap po sana sa DOTr at sa TRB na panatiliin muna ang mga cash lanes, dagdagan ang RFID installation stations at ayusin ang inter-operability ng Autosweep at Easytrip at kalimutan na yang deadline nila. Kung hawaan ng COVID-19 ang pinoproblema o ginagamit na katwiran maglagay ng cash trays sa mga cash lanes at hikayatin ang mga motorista na “exact toll payment ang ihanda nila”.
Walang mawawala sa mga concessionaire kung pananatilihin muna mga cash lanes hanggang hindi pa maayos ang lahat. Sa RFID “prepaid” ang binayad ng mga morista at dapat may load ang mga sticker kahit hindi ka pa dumadaan ng tollgate. Halimbawa P500 pesos ang ni-load mo.
Pero P400 pesos lang ang nakunsumo. Yun P100 pesos na hindi pa na consume ay wala namang “moneyback”. So ilang milyong piso ang hindi nagagamit pa na ni-load ng motorista na “prepaid” sa mga tollways concessionaires, nakatambay sa banko ng mga negosyante.
Samantalang pag cash payment bayad ka lang pag dadaan ng tollway. Ito ba ang dahilan kung bakit kahit hindi pa maayos ang inter-operability at iba pa ay minamadali ang RFID? (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)
-
DOTr: MM subway 2025 pa ang partial opening
PINAHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na ang partial opening ng Metro Manila Subway project ay nalipat sa 2025 dahil sa mga challenges na dinulot ng pandemyang COVID-19 sa bansa. Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang targeted partial opening ng Metro Manila Subway ay sa 2025 habang ang buong operasyon […]
-
MARIANO, GINEBRA LALAPIT PA SA TITULO
Lagay ng best-of-seven series: Lamang ang Barangay Ginebra San Miguel sa TNT, 2-0 Resulta ng serye: Game 1 nitong Linggo, Nobyembre 29: Barangay Ginebra San Miguel 100, TNT (94 (OT) Game 2 nitong Miyerkoles , NDisyembre 2: Barangay Ginebra San Miguel 92, TNT 90 Game 3 ngayong Biyernes, Dis. 4: (AUF […]
-
LIZA, nag-react sa pekeng Facebook account na nag-post ng pagsali niya sa ‘Miss Universe’ at nakikiusap na i-report
NAG-REACT nga sa isang Facebook ang Kapamilya actress na si Liza Soberano na may connect sa pagkatalo ni Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe pageant. Sa FB account na ‘Liza Soberano’, nilagay ng poser ang comment niya na, “Pag si Rabiya talaga ‘di maiuwi ang crown, ako talaga sasali next year!” na agad […]