• July 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Apat na pugante sa Japan, naaresto

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) fugitive search unit ang tatlong dayuhan na wanted ng krimen sa Japan.
Kinilala ni  BI fugitive search unit Rendel Ryan Sy ang tatlong dayuhan na si Ueda Koji, 27, Kiyohara Jun, 29, at  Suzuki Seiji, 29 na naaresto sa loob ng subdivision sa  Paranaque City.
Inaresto sila sa bisa ng mission order na inisyu ng BI Commissioner Norman Tansingco, matapos makatanggap ng impormasyon mula sa gobyerno ng Japan hinggil sa kanilang mga kaso.
Base sa kanilang records, may mga outstanding warrants of arrest sila simula pa noong May 2024  na inisyu ng Omiya Summary Court dahil sa pandaraya na isang paglabag sa Japanese Penal Code.
Samantha, iniulat din ni Sy ang pag-aresto sa isang Sawada Masaya, 39, na namataan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
 Ang apat ay  sinasabing founding members ng isang sindikato sa pandaraya sa telecom na nakabase sa Cambodia na may criminal charges kaugnay sa Unlawful Capture, Confinement, Extortion, at  Fraud. GENE ADSUARA
Other News
  • QCARES+ nagpasaklolo kay Joy Belmonte

    Nanawagan ang ­Quezon City Advocates for Responsible Entertainment, Sports + Gaming and Wellness (QCARES+) kay ­Quezon City Mayor Joy Belmonte na hilingin sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagang magpatuloy ang business operations ng mga miyembro nito sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) na iiral sa Agosto 6.   […]

  • ‘Di man pasok sa GFH: 3 sangay ng ahensya sa Maynila, popondohan

    POPONDOHAN ng pamahalaang Lungsod ng Maynila ang Bureau of Jail Management, Department of Social Welfare and Development at Manila Police District (MPD) para sa kanilang Peace and Order Council.   Ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, umaabot sa halos P40 milyon ang ilalaang pondo sa isinagawang pagpupulong ng ilang opisyal ng Manila City […]

  • Alfred, tinanghal na ‘Darling of the Press’… HELEN at Direk CHITO, naging emosyonal sa pagtanggap ng kanilang special award

    MANINGING at matagumpay ang 38th Star Awards for Movies ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) na ginanap nitong Linggo, Hulyo 16, 2023, sa Centennial Hall ng Manila Hotel, na kung saan nagsilbing hosts ng gabi ng parangal na nagwagi rin ng special awards sina Claudine Barretto, Sunshine Cruz, Alfred Vargas, at Christian Bautista. […]