• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Apektado ng inflation ang budget ng mga mahihirap kontra Covid-19

Nangangamba si House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera na hihina ang panlaban kontra COVID-19 ng mga mahihirap dahil sa pagtaas ng mga presyo ng baboy, gulay at manok.

 

 

Ipinaaalala rin ng mambabatas sa DOH at DSWD na kailangang tuparin ng pamahalaan ang pangako nitong pamamahagi ng libreng face masks para sa mga mahihirap.

 

 

Kailangan rin aniyang paalahanan ang publiko na madalas labhan ang mga ginagamit nilang cloth face mask upang hindi pamahayan ng mikrobyo ang materyales nitong tela.

 

 

Ayon sa kongresista, dahil mas mataas ang presyo ngayon ang pagkain, nababawasan tuloy ang budget ng mga mahihirap pambili ng face masks, face shields, skin soap, rubbing alcohol, toothpaste, toothbrushes, mouthwash, at iba pang essential personal hygiene items.

 

 

Giit nito, hindi sana tumaas ang presyo ng baboy kung inagapan agad umano ng Department of Agriculture ang swine flu noong 2019 nang sa dalawang probinsiya pa lang kumalat ang swine flu.

 

 

“Kumalat ang ASF sa mga babuyan dahil wala o kulang ang safety protocols na ipinatupad. That is why we need shift from backyard hog raising to communal with better measures against ASF and other livestock diseases,” aniya.

Other News
  • Panaga idinagdag na ng Creamline Cool Smashers

    MAKARAANG kumawala sa Petro Gazz Angels via free agency, pinapirma ng Creamline Cool Smashers nitong Martes ang kalibre ni veteran player Jeanette Panaga bilang paghahanda sa Premier Volleyball League (PVL) sa Abril.   Araw ng Linggo nang kumawala mula sa Petro Gazz Angel ang 25-year-old, six-footer  middle blocker kasama ang apat na iba pa mga […]

  • Anthony Mackie’s Upcoming ‘Captain America 4’ Just Changed Titles Mid-way Through Production

    THE new title of Anthony Mackie’s first solo movie in the Marvel Cinematic Universe is Captain America: Brave New World, and the name change mid-way through production might have an interesting reason.     Mackie was first teased to be the Marvel Cinematic Universe’s next Captain America at the end of 2019’s Avengers: Endgame, with […]

  • Pinoy athletes nagningning sa Paris opening

    HINDI nahadlangan ng ulan ang Olympic spirit ng mahigit 10,000 atleta at opisyales na dumalo sa opening ceremony ng 20­24 Paris Olympics.           Masaya ang Team Phi­lippines na pumarada sa opening rites na ginanap sa Seine River.       Hindi pa man nagsisi­mula ang parada, kitang-kita ang excitement ng lahat […]