• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Apektado ng inflation ang budget ng mga mahihirap kontra Covid-19

Nangangamba si House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera na hihina ang panlaban kontra COVID-19 ng mga mahihirap dahil sa pagtaas ng mga presyo ng baboy, gulay at manok.

 

 

Ipinaaalala rin ng mambabatas sa DOH at DSWD na kailangang tuparin ng pamahalaan ang pangako nitong pamamahagi ng libreng face masks para sa mga mahihirap.

 

 

Kailangan rin aniyang paalahanan ang publiko na madalas labhan ang mga ginagamit nilang cloth face mask upang hindi pamahayan ng mikrobyo ang materyales nitong tela.

 

 

Ayon sa kongresista, dahil mas mataas ang presyo ngayon ang pagkain, nababawasan tuloy ang budget ng mga mahihirap pambili ng face masks, face shields, skin soap, rubbing alcohol, toothpaste, toothbrushes, mouthwash, at iba pang essential personal hygiene items.

 

 

Giit nito, hindi sana tumaas ang presyo ng baboy kung inagapan agad umano ng Department of Agriculture ang swine flu noong 2019 nang sa dalawang probinsiya pa lang kumalat ang swine flu.

 

 

“Kumalat ang ASF sa mga babuyan dahil wala o kulang ang safety protocols na ipinatupad. That is why we need shift from backyard hog raising to communal with better measures against ASF and other livestock diseases,” aniya.

Other News
  • 16 marino nakulong sa bulk carrier vessel

    HUMIHINGI ng tulong sa gobyerno ang 16 na marino na na trap sa isang Bulkcarrier vessel Angelic Glory na nakalangkla sa Hongkong Port, South China Sea.   Sa pamamagitan ng United Filipino Seafarers (UFS),ipinaabot nito sa Departmentof Labor and Employment (DOLE), Department of Foreign Affairs (DFA) atnsa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang paghingi ng […]

  • PBBM, nag-Santa Claus, namigay ng regalo sa mga bata sa Malakanyang

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand ang taunang gift-giving program para sa mga kabataang Filipino na ginawa sa Malakanyang.     Layon nito na bigyan ng saya ang mga batang Filipino lalo pa’t malapit na ang Pasko.   Ang programa ay tinawag na ‘Balik Sigla, Bigay Saya Nationwide Gift Giving Day, na sabay-sabay na ginawa sa iba’t […]

  • Romans 12:21

    Conquer evil by love.