Apela na bawiin ang deployment ban sa mga health workers
- Published on September 12, 2020
- by @peoplesbalita
HIHINTAYIN muna ng Inter-Agency Task Force ang magiging patnubay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa apela na bawiin ang deployment ban sa health workers,
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinag-uusapan na ng mga opisyal ang panukalang i-exempt ang mga nurses at iba pang medical workers na may kontrata na nilagdaan “as of Aug. 28” subalit kailangan na konsultahin muna si Pangulong Duterte.
“Kinakailangan po muna konsultahin ang Presidente kasi ‘yung desisyon po na mag-impose muna ng moratorium ay desisyon po ng Presidente,” ayon kay Sec. Roque.
“Ayaw naman po namin pangunahan po ang ating Presidente,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Tanging ang mga health care workers na may existing employment contracts “as of March 8, 2020” ang pinapayagan lamang na magtrabaho sa ibang bansa dahil ang Pilipinas bilang key exporter ng mga nurses at iba pang medical workers, ay nagpapanatili ng reserve force ng medical workers para labanan ang COVID-19 pandemic.
May mga grupo na kasi ng mga nurse at medical workers ang nanawagan sa pamahalaan na i-lift ang deployment ban. (Daris Jose)
-
Gilas Pilipinas nasa training bubbles na para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers
NASA training bubbles na ang Gilas Pilipinas ilang araw bago ang pagsisimula ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula ngayong linggo. Pinangunahan ni coach Chot Reyes at ang 13 manlalaro nito para sa torneo na magsisimula sa Pebrero 24 hanggang 28. Kabilang sa bubbles sina B. League players Thirdy Ravena […]
-
Pinaghirapan, ilang taong pinag-ipunan at pinaghandaan… DINGDONG, pinasilip na rin ang bonggang dream house nila ni MARIAN
PINASILIP na ang kanilang bonggang bahay ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Habang nagsu-swimming si Dingdong at si Marian Rivera-Dantes naman ay relax lang sa tila lanai nila with their dog. Ang ganda at ang laki ng bahay. Sabi ni Dingdong sa kanyang caption sa Instagram, “The things we cherish most […]
-
Ina ni Maine sa pekeng video scandal ng anak: ‘Di makatarungan
Hindi napigilan ng ina ni Maine Mendoza na maging emosyonal nang tuluyang dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cyber Crime Division kaugnay ng kumalat na video scandal umano ng aktres kamakailan. Ngayong araw, December 28, nang magtungo sa NBI ang ina ni Maine na si Mrs. Mary Ann Mendoza kasama ang abogado […]