• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd namahagi ng “new normal” handbook para sa mga magulang

NAMAHAGI ang Department of Education ng “new normal” handbook para sa mga magulang.

 

“We understand that this school year is challenging because we are faced with COVID- 19 pandemic. Despite this, the agency assured that it remains “fully committed to fulfilling our role in upholding your children’s right to access quality education while promoting their health, safety, and overall well-being,” ayon sa DepEd.

 

Ipinaliwanag sa “Parents’ Handbook for the New Normal in Basic Education” ang iba’t ibang paraan ng distance learning na maaaring pagpiliian ng magulang at guro.

 

“It is important that you assess the needs and capabilities of your own child and the quality and quantity of support that you can provide before you decide on the modality that suits your child best,” saad ng DepEd.

 

Nakapaloob din sa handbook ang mga sagot sa mga karaniwang tanong ng mga magulang ukol sa iba’t ibang paraan ng pag-aaral sa distance learning.

 

Kasama rin dito ang pratikal na tips sa mga magulang, positive parenting, at pagdidisiplina habang nag-aaral ang kanilang mga anak sa tahanan na ipinagkaloob ng Save the Children Foundation. (Ara Romero)

Other News
  • Motorista puwedeng mamili kung PMVIC o PETC ang emission testing ng sasakyan

    Hindi pipilitin ang mga motorista na mag avail ng emission testing sa mga private emission testing centers (PETCs) na siya naman sinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Land Transportation Office (LTO) hanggang wala pa further notice sa publiko.       Kailangan ang inspection report ng emission testing centers sa […]

  • PBBM, naiintindihan ang pagkalas ni Sara sa Lakas-CMD

    NAIINTINDIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging desisyon ni Vice President Sara Duterte na kumalaas at magbitiw bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party.     Magkagayon man, sinabi ng Pangulo na hindi dapat magambala o magulo si Duterte mula sa mas mahahalagang tungkulin nito.     Tinuran ni Pangulong Marcos na dapat […]

  • 9 senador pabor sa extension ng ABS-CBN operation

    SIYAM na senador ang naghain kamakalawa ng concurrent resolution na naglalayong payagan ng Kongreso na makapag-operate ang ABS-CBN habang tinatalakay pa ngayong 18th Congress ang renewal ng kanilang prangkisa na mapapaso na sa Mayo 4 ng taong ito.   Ang mga senador na kasama sa naghain ng Senate Concurrent Resolution 7 ay sina Senate Majority […]