• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Apela sa publiko, huwag paniwalaan ang oposisyon

NIRESBAKAN at muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ang oposisyon na aniya’y nag-aambisyong makabalik.

 

Kaya ang panawagan ng Pangulo sa publiko ay huwag paniwalaan ang oposisyon na wala namang ginagawa kundi ang mamulitika.

 

“The things that you would know, huwag kayong maniwala diyan sa oposisyon. Walang ginawa ‘yan, gusto lang ‘yang bumalik.

 

Kasi kung maaari lang ibigay ko na lang para hindi na sisirain ang Pilipino. Hindi na tayo masira. Ibigay ko na lang. Iyong naiwan ko sige inyo na. Tapos na rin ako ilang taon na.
Sa katunayan, ang inaatupag ng oposisyon ay dumihan ang administrasyon para sila ang bumango at pumuti,” ayon sa Pangulo.

 

“Ito wala itong ginawa kung hindi mamulitika. Tama ‘yung sabi ni Bong “If you want to appear white, you paint the other person black.” Pinturahan mo ng itim at ika’y puputi. Painting the other guy black so that you would appear white. Iyan ang ginagawa nila. Pinipinturahan kami ng itim para bumango sila, maputi sila,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

At maging pati ang mga tinaguriang komunista na nakapasok na sa gobyerno ay binanatan din ng Pangulo na pawing dawit sa tinatawag na grand conspiracy.

 

Special mention naman ng Pangulo si Representative Carlos Zarate na aniya’y kanyang binabantayan.

 

“O tingnan mo anong ginawa ng…? Saan nakipagkunsabo pati itong mga komunista sa nakapasok sa gobyerno. Do you think that we will stop there? I said you are a member of a grand conspiracy of communism, lahat kayo. The act of one is the act of all.

Ikaw, Zarate, bantay ka. Medyo… Sabi niyo paalis na ako? Well, really?,” lahad ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Pasko sa “SNED Holiday 2024”, ipinagdiwang sa Valenzuela

    PARA makapaghatid ng kagalakan sa mga batang Valenzuelano na may espesyal na pangangailangan ngayong kapaskuhan, ipinagdiriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang “SNED Holiday 2024” na ginanap sa Valenzuela City People’s Park Amphitheatre.       Pinatunayan ng Valenzuela na ang Pasko ay para sa mga batang Special Needs Education (SNED) Holiday 2024 na taunang […]

  • Dagdag kontribusyon idinepensa ng PhilHealth

    IDINEPENSA ng Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth) ang isinusulong nilang mas mataas na kontribusyon para sa kanilang mga miyembro at sinabing kinakailangan ito para sa kanilang plano na palawakin pa ang kanilang coverage.     Ayon kay PhilHealth CEO Emmanuel Ledesma Jr., sa ilalim ng kanilang planong expansion of coverage, hindi na kakailanganin pa ng […]

  • 5 ARESTADO SA SHABU SA CALOOCAN

    LIMANG hinihinalang drug personalities ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. dakong 9:10 ng gabi, nagsasagawa ang kanyang mga tauhan ng Oplan Galugad na sa kahabaan ng Binata St. Brgy 144, Bagong Barrio nang maispatan nila ang isang grupo ng […]