• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aplikasyon ng special permits sa pagbiyahe sa Kuwaresma, bukas na – LTFRB

BUKAS na ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa special permits para makabyahe sa kasagsagan ng holidays ngayong taon tulad ng Mahal na Araw, All Saints day, All Souls Day, at Pasko.

 

 

Tatanggap ang LTFRB hanggang Marso 13 ng mga aplikasyon para sa special permits sa Mahal na Araw, layunin nito na matiyak na matutugunan ang pagdagsa ng mga pasahero na magsisiuwian sa kanilang mga probinsiya.

 

Maaring ihain ang aplikasyon sa Window 9 ng LTFRB Central Office sa Quezon City kalakip ng kumpletong requirements tulad ng Verified Petition, Latest OR/CR, Franchise Verification, Updated Personal Passenger Insurance at Address ng terminal.

 

Oras na maaprubahan, tanging ang mga pampasaherong bus na may special permit ang papayagang bumiyahe sa labas ng kanilang orihinal na ruta mula Abril 5 hanggang 13 ng kasalukuyang taon.

 

Pinaalalahanan din ng LTFRB na ang mga interesadong aplikante na 25 porsyento lamang sa kanilang total authorized units per franchise ang papayagan.

 

Kakailanganin lamang ang verified petition, latest registration documents, franchise verification, updated personal passenger insurance, at present proof ng terminal which na may ispesipikong ruta.

 

“For interested applicants, your complete requirements with the conditions stated must be filed at the Window 9 of the LTFRB Central Office,” pahayag ng LTFRB.

Other News
  • Mataas na bilang ng COVID-19 cases sa mga DepEd personnel, ikinaalarma

    IKINAALARMA ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang mataas na bilang ng COVID cases sa mga personnel ng Department of Education.   Kasabay nito, hinikayat ng mambabatas ang Department of Education na agad kumilos para masiguro na maibibigay ang healthcare services at tulong sa mga DepEd personnel na nagkasakit ng covid. […]

  • Early registration para sa next school year magsisimula na sa Marso 25 hanggang Abril 30 – DepEd

    MAGSISIMULA na ang early registration sa mga pampublikong elementarya at sekondarya para sa susunod na school year sa araw ng Biyernes, Marso 25 hanggang Abril 30.     Base sa memorandum na nilagdaan ni Education Secretary Leonor Briones, maaari ng mag-preregister ang lahat ng incoming Kindergarten, Grade 1, 7 at 11 mag-aaral sa lahat ng […]

  • Open na makapag-guest sa shows ng GMA: VICE, nalungkot pero walang galit sa TV5 at ‘di sinisisi ang TVJ

    NGAYONG July 26 na ipalalabas sa mga sinehan ang kauna-unahang pelikula ng reel & real life couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ang romantic-drama na “The Cheating Game” na produced ng GMA Public Affairs at GMA Pictures.     Abala na nga sa mga promotion ang JulieVer at in fairness, nakikita […]