• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mataas na bilang ng COVID-19 cases sa mga DepEd personnel, ikinaalarma

IKINAALARMA ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang mataas na bilang ng COVID cases sa mga personnel ng Department of Education.

 

Kasabay nito, hinikayat ng mambabatas ang Department of Education na agad kumilos para masiguro na maibibigay ang healthcare services at tulong sa mga DepEd personnel na nagkasakit ng covid.

 

Nabatid sa isinagawang interpelasyon ng badyet na nasa 2,193 personnel ng Department of Education sa buong bansa ang nahawa ng COVID-19. Sa bilang, 561 ay active cases, 1584 ang gumaling habang 48 naman ang nasawi.

 

“We raise alarm over the huge number of COVID cases among DepEd personnel. With that high number of cases of COVID among DepEd personnel, what has the agency done to aid their personnel? What can its personnel expect from the DepEd to ensure they will be taken care of in case they get COVID?” pagtatanong ni Castro.

 

Umapela pa ito sa departamento na siguruhin na may access ang kanilag personnel sa healthcare services bukod pa sa PhilHealth benefits.

 

Sinabi pa ng mambabatas na dapat magsilbing wake up call ang mataas na bilang ng COVID cases sa mga DepEd personnel para gumawa ng dagdag na paraan upang matulungan ang mga ito.

 

Ipinanukala rin nila na ibalik sa 2021 national budget ang P500 annual medical check-up at lump sum na P2B para sa libreng medical treatment at hospitalization ng mga teachers at non-teaching employees. (Ara Romero)

Other News
  • Ads November 24, 2021

  • Garapal na online sellers ng face mask, alcohol tutugisin ng DTI

    TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na hahabulin nila ang mga garapal at hindi lehitimong online sellers na nagbebenta ng face mask, alcohol, sanitizers at iba pa sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19).   Sa Laging Handa press briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi DTI Secretary Ramon Lopez na hindi […]

  • Task Force rerepasuhin ang transport distancing

    Bukas ang pamahalaan sa isang dialogue tungkol sa kanilang desisyon na bawasan ang physical distancing requirement sa mga public transportation na kung saan sinabi ng mga medical health experts na maaaring maging sanhi ng pagdami ng coronavirus infections.   Dahil sa kagustuhan muling buksan ang ekonomiya sa pamamagitan ng maraming available modes ng public transportation, […]