• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Appointment ni Sec. Tulfo, tagilid

IPINAGPALIBAN ng Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ng appointment ni DSWD Secretary Erwin Tulfo matapos masilip ang dual citizenship nito.

 

 

May US at Filipino citizenship si Tulfo.

 

 

Nagmosyon si CA Majority Leader at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na i-defer ang kumpirmasyon sa appointment ni Tulfo dahil sa dalawang isyung binanggit ni 1-SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta tungkol kay Tulfo, ang citizenship at ang conviction sa libel case ng Kalihim na hinatol noon ng Pasay Regional Trial Court.

 

 

Tanong ni Caloocan City Rep. Oscar Malapitan kay Tulfo kung tinakwil niya ang Filipino citizenship noong maging enlisted personnel ng US Army mula 1988-1992.

 

 

Hindi naman ito sinagot ni Tulfo at sa halip ay humingi ng executive session sa komite na tumagal ng halos isang oras para pag-usapan ang naturang isyu.

 

 

Sinagot naman ng kalihim ang pagiging convicted sa kasong libelo na umanoy nangyari dahil sa pagtupad sa kanyang trabaho bilang mamamahayag.

 

 

Subalit giit ni Marcoleta, hindi pa rin mababago ang sitwasyon na nahatulan ito sa kaso lalo pa at ang libel case ay may kinalaman sa ‘moral turpitude’ kung saan ang tugon naman ni Tulfo ay dahil sa kanyang trabaho bilang journalist.

 

 

Ayon naman kay Sen. Chiz Escudero, unfair na gamitin laban kay Tulfo ang conviction niya sa libelo dahil ngayon ay isinusulong niya ang pagde-decri­minalize nito at maging ng kalihim ng Department of Justice (DOJ).

 

 

Nausisa rin ang pagkakaroon ng 10 anak sa naging apat na asawa ni Tulfo na umano’y isang pagkakamali noong kabataan niya subalit ang mahalaga umano ay inaalagaan niya ang kanyang mga anak.

 

 

Samantala, lumusot naman sa CA si DPWH Secretary Manuel Bonoan. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Family Feud’ ni Dingdong, muling abangan: WILLIE, imposible pang makabalik sa GMA dahil wala pang timeslot

    MAY bali-balita palang pwede raw bumalik si Willie Revillame sa GMA-7, pero madali namang nilinaw ito ni GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes na hindi iyon totoo.     “Kasi as of now, wala kaming available timeslot talaga. Kasi, di ba dati nandun siya sa slot before “24 Oras?” But magbabalik na muli ang “Family […]

  • Harden, tumanggi sa multi-million dollar extension deal ng Rockets; nais nang lumipat sa Nets?

    Usap-usapan ngayon sa mundo ng basketball ang mistulang pahiwatig ni NBA superstar James Harden na ayaw na nitong maglaro sa Houston Rockets sa susunod na season.   Ayon sa mga impormante, tinanggihan kasi ni Harden ang dalawang taong contract extension na alok ng Rockets, na umano’y nagkakahalaga ng $103 million o katumbas ng halos P5-bilyon. […]

  • 5 istasyon ng LRT 1-Cavite Extension bubuksan ngayon November

    MAGANDANG balita sa mga pasahero sa southern na lugar ng Metro Manila dahil limang (5) estasyon ng Light Rail Transit Line 1 – Cavite Extension ang bubuksan ngayon katapusan ng buwan.     Ito ay ayon sa balita ng Department of Transportation (DOTr). Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista na ang limang estasyon sa Phase […]