• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Harden, tumanggi sa multi-million dollar extension deal ng Rockets; nais nang lumipat sa Nets?

Usap-usapan ngayon sa mundo ng basketball ang mistulang pahiwatig ni NBA superstar James Harden na ayaw na nitong maglaro sa Houston Rockets sa susunod na season.

 

Ayon sa mga impormante, tinanggihan kasi ni Harden ang dalawang taong contract extension na alok ng Rockets, na umano’y nagkakahalaga ng $103 million o katumbas ng halos P5-bilyon.

 

Ito ay bukod pa sa three-year, $133-million na nananatili sa kanyang kontrata sa Houston.

 

Sinasabing kung sakaling tinanggap ng Rockets guard ang alok ng koponan, siya na ang tatanghalin na kauna-unahang player sa kasaysayan ng NBA na kikita ng $50-million kada taon.

 

Sa halip, determinado raw si Harden na mapuwersa ang Houston na i-trade na ito sa Brooklyn Nets, kung saan pwede itong bumuo ng superteam kasama sina Kevin Durant at Kyrie Irving.

 

Sa ngayon, may inisyal na raw na pag-uusap ang Rockets at Nets ngunit wala pang nangyayaring masinsinang usapan sa pagitan ng dalawang koponan.

 

Wala pa rin aniyang nakikitang indikasyon ang Houston na posibleng ibigay ng Brooklyn kapalit ni Harden, na magiging kapaki-pakinabang sa kanilang panig.

Other News
  • Lakers pormal nang ipinakilala ang bagong coach na si Darvin Ham; Russell Westbrook kasama sa nag-welcome

    PORMAL  nang ipinakilala sa publiko ng Los Angelec Lakers ang kanilang bagong coach na si Darvin Ham na nakuha nila na assistant coach mula sa Milwaukee Bucks.     Agaw pansin naman ang presensiya ni LA guard Russell Westbrook na nasa tabi upang magbigay ng suporta sa bagong head coach.     Kung maalala kabilang […]

  • PDu30, nanawagan ng pagkakaisa, panalangin ngayong Pista ng Itim na Nazareno

    UMAASA si Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ng pagkakaisa at patuloy na panalangin para sa paggaling ng sangkatauhan.     Ito ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Duterte ngayong Pista ng Itim na Nazareno.     “Although we may not be able to take part in the usual Traslacion activities that have marked the celebration for […]

  • Del Rosario 4th sa WAPT 6th leg, kumita ng P145K

    NAGSUMITE ng one-under par 71 pa-four-day aggregate 284 si Pauline del Rosario supang palabang sumosyo sa ikaapat na puwesto kay Sofia Garcia ng Paraguay at magrasyahan ng $3,050 (P145K) sa karorolyong 3rd Women’s All-Pro Tour 2021, 6th leg $49K (P2.3M) Oscar Williams Classic sa Hurricane Creek Country Club sa Anna, Texas.     Seven strokes […]