• January 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Approach ni PDu30 sa WPS, gumagana

GUMAGANA ang “approach” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng West Philippine Sea lalo pa’t wala namang teritoryo ng bansa ang nakuha ng China simula nang maupo siya sa puwesto.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesman Harry Roque ay tugon sa suhestiyon ni Vice President Leni Robredo na kailangan ang multilateral approach sa West Philippine Sea dahil hindi naman gumagana ang bilateral talks sa China.

 

Ani Sec. Roque, hindi totoo ang sinabi ni VP Leni dahil ang Pangulo ay may gampanin bilang chief architect ng foreign policy ng bansa.

 

“The President is the lone architect of foreign policy. Hindi  totoo na hindi gumagana ang ating bilateral talks to the West Philippine Sea,” anito.

 

“Matapos ang halos limang taon ng termino ng Presidente, wala tayong nawalang teritoryo sa China, wala  tayong hidwaan sa China,” dagdag na pahayag nito.

 

“So, I beg to disagree. The President’s policy has been working for the past five years,” pagpapatuloy pa ni Sec. Roque.

 

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Sec. Roque na wala namang nakalilito sa posisyon ni Pangulong Duterte sa West Philippine Sea.

 

“Walang confusing sa stand ni Presidente sa West Philippine Sea. Ang hindi puwedeng mapagkasunduan, isasantabi muna, isusulong ang mga bagay na puwedeng maisulong gaya ng kalakalan at pamumuhunan,” aniya pa rin.

 

“Pero hinding-hindi tayo mamimigay ng teritoryo at paninindigan at pangangalagaan natin ang pang-nasyonal na soberenya at ang ating sovereign rights,” lahad nito.

 

Samantala, lumutang ang isyu ng West Philippine Sea sa ginawang incursion ng Chinese vessels sa nasabing lugar.

 

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na siya magre-react sa anumang kritisismo at ipinag-utos sa miyembro ng kanyang gabinete na iwasan na ang magsalita sa naturang isyu sa kahit na kaninuman. (Daris Jose)

Other News
  • Ilang opisyal ng DFA, positibo sa COVID-19

    Sarado muna ang punong tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang sa Martes, Pebrero 2, 2021, para sa pag-disinfect.     Ito ang naging anunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang mga opisyal.     Agad namang nilinaw ni Locsin na negatibo na siya […]

  • ‘Maria Clara at Ibarra’, finalist sa entertainment category ng 2023 New York Festivals TV & Film Awards

    MUKHANG magiging busy year ang 2023 para kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.       Bukod kasi sa pagiging host ng two top-rating shows sa GMA Network, ang daily game show na“Family Feud” at ang informative show na “Amazing Earth” every Saturday  balitang inihahanda na rin ng GMA Public Affairs’ film, ang “Fireply,”     […]

  • POGO worker, minaltrato, kinidnap at idinitene

    MAY sampung araw nang nakadetine sa loob ng isang bahay ang isang POGO worker na kinidnap matapos na hindi makapagbayad ng P240,000 nang magpaalam na magre-resign sa pinagtatrabahuhan online gambling at uuwi na sa China sa Las Pinas.   Nabatid kay NBI OIC Director Eric Distor , inabutan ng mga ahente ng NBI, ang biktima […]