Approved at taas-kamay sa kanya si Heart: LIZA, nagpakitang gilas sa ‘New York Fashion Week’
- Published on September 12, 2024
- by @peoplesbalita
NASA New York Fashion Week ang Filipina actress na si Liza Soberano para sa Spring 2025 show ng American fashion house na Coach.
Ibinahagi ni Liza ang mga larawan ng outfit na isinuot niya sa fashion show, isang golden jacket, yellow lace top at denim jeans, golden heels, at isang black shoulder bag na may golden chain.
“Feelin’ golden in Coach,” caption ni Liza sa kanyang post.
Sa Instagram Stories naman niya, nagbahagi rin si Liza ng mga clip ng fashion show. Meron din siyang video post na may caption na, “Running through NYFW in style with #coachspring25.”
Nag-comment naman si Heart Evangelista ng, “Yaz” kasama ang hands up emojis.
Say naman ng sikat celebrity photographer na si BJ Pascual, “Looooove!!!”
Marami pang nag-comment at pinusuan sa ginawang pagrampa ni Liza.
Sa ibang lugar sa Big Apple, rumampa rin ang rumored lovers na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras, pati na rin si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee para sa Chris Nick’s Spring/Summer 2025 show.
Nag-modelo rin ang Filipino-American designer at Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel para sa koleksyon ng Spring/Summer 2025 ni Chynna Mamawal.
***
NI-REPOST ni Dingdong Dantes ang FB post ng GMA Kapuso Foundation #operationbayanihan, na kung saan kasama siya sa tumulong.
Sa caption, “Sa patuloy nating pamamahagi ng relief packs para sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong #EntengPH, nagtungo naman ang GMAKF team sa Coloong, Valenzuela City kasama si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
“Handog din ni Kapuso Dingdong Dantes at ng Mesa Philippines ang 500 adobo rice meals sa ating beneficiaries.
“Maraming salamat din po sa mga sumusunod na nagbigay ng suporta sa bayanihang ito:
Bukas ang GMA Kapuso Foundation sa mga nais magbahagi ng tulong. Bisitahin lang ang gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.”
(ROHN ROMULO)
-
BI ipapatupad ang ILBO laban sa opisyal ng OVP
SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na nakatanggap sila ng kopya ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) na inisyu laban sa pitong opisyal sa Office of the Vice President (OVP). Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado ang kautusan ay natanggap nila nitong November 6 kaya isinama nila ang pangalan ng pitong opsiyal sa […]
-
Suplay ng tubig sa NCR, sapat sa gitna ng nakaambang El Niño -MWSS
PINAWI ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pangamba ng publiko sa agam-agam na posibleng kakulangan sa suplay ng tubig sa gitna ng nakaambang El Niño phenomenon ngayong taon. Ayon sa ahensiya, mayroong sapat na kapasidad ang Angat dam para matustusan ang kinakailangang tubig sa Metro Manila para sa nalalabing buwan ngayong […]
-
‘Walang patawad, areglo sa korap’- Duterte
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papatawarin at hindi maaaring aregluhin ang mga kaso ng korapsiyon. Ayon sa Pangulo, ka-tulad ng droga, walang dapat pinapaboran pagdating sa korapsiyon dahil galit siya sa mga nasabing isyu. “I do not forgive cases sa mga corruption. Wala talaga. Walang areglo, wala lahat. No quarters […]