‘Walang patawad, areglo sa korap’- Duterte
- Published on October 22, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papatawarin at hindi maaaring aregluhin ang mga kaso ng korapsiyon.
Ayon sa Pangulo, ka-tulad ng droga, walang dapat pinapaboran pagdating sa korapsiyon dahil galit siya sa mga nasabing isyu.
“I do not forgive cases sa mga corruption. Wala talaga. Walang areglo, wala lahat. No quarters given, no quarters asked. Kagaya rin sa droga, walang pabor-pabor dito. No question that I am really mad. Galit ako sa droga,” ani Duterte.
Bagaman at hindi nagbigay ng detalye, sinabi ng Pangulo na magla-lagay siya ng bagong “structure” para matiyak ang integridad ng mga proyekto.
“Iyang sa mga project sa baba, iyon ang laro diyan. So we might maybe place another structure there – structure to improve the integrity of the projects and pwede ninyong ma-report maski ano basta corruption and walang patawad,” ani Duterte.
Ginawa ni Duterte ang pahayag ilang araw matapos niyang sabihin na malala ang korapsiyong nangyayari sa De- partment of Public Works and Highways (DPWH).
Ilang senador din ang nagsabi na ang pondo ng DPWH para sa 2021 ay mayroong bilyun-bilyong pisong lump sum appropriations.
Muling binanggit ni Duterte na ang karamihan sa mga project engineers sa baba ang sangkot sa korapsiyon.
Nilinis naman nito si DPWH Secretary Mark Villar na hindi na umano kailangang mangurakot dahil mayaman na.
“Karamihan diyan sa DPWH mga project engineers. Diyan ang — sa baba ang tala… Si Villar, mayaman. Secretary Villar, maraming pera ‘yan. Hindi niya kailangan ma-ngurakot. Ang problema sa baba, malakas pa rin hanggang ngayon,” ani Duterte.
Hinikayat din ni Duterte ang mga mamamayan na tumawag at isumbong ang nalalamang korapsyon o droga sa 8888. (Daris Jose)
-
DepEd kinumpirma, may mga kaso pa rin ng COVID-19 sa ilang eskuwelahan
MAY mga kaso pa rin ng COVID-19 sa ilang eskuwelahan sa gitna ng pagpapatuloy ng face-to-face classes. Iyon nga lamang hanggang ngayon ay hindi pa rin inilalabas ng Department of Education (DepEd) ang detalye ng mga kaso kabilang na ang eksaktong pigura at lokasyon ng eskuwelahan. Subalit, tiniyak ng DepEd na […]
-
Ten years na silang magkasama: VIN, dasal palagi na ‘di mangyari sa kanila ni SOPHIE ang nangyari kina ALJUR at Kylie
READY na raw ni Juancho Trivino ang pagdating ng second baby nila ng misis na si Joyce Pring. Malapit-lapit na raw ang due date ni Joyce, kaya all hands on deck sila para maayos ang lahat sa pagdating ng second angel nila. “Lahat ng makakaya naming gawin as of now pa lang, ginagawa […]
-
Internet connection sa LRT 2 pinalakas pa ng SMART
Pinalakas pa ng Smart Communications ang network coverage sa lahat ng estasyon ng Light Rail Transit Line 2 upang mas mabigyan ng magandang serbisyo ang mga sumasakay. Naglagay ang Smart ng microsites upang mas gumanda ang internet service sa LRT 2 na mayrong 11 na estasyon simula sa Santolan sa Pasig hanggang sa […]