• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

April 10, idineklarang regular holiday ni PBBM para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na regular holiday ang April 10, araw ng Miyerkules, sa buong bansa bilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr, o Feast of Ramadhan.
Sa pamamagitan ng Proclamation No. 514, idineklara ng Pangulo ang nasabing petsa na regular holiday “in order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness.”
Aniya pa, idineklara niya ang Eid’l Fitr, o Feast of Ramadan na regular holiday upang pahintulutan ang buong sambayanang filipino na makiisa sa mga kapatid na Muslim sa kapayapaan at pagkakaisa.
Ang naturang proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, araw ng Huwebes, Abril 4, 2024. (Daris Jose)
Other News
  • 2 key players ng Heat posibleng hindi makapaglaro sa Game 2

    ISANG malaking hamon ngayon para sa Miami Heat ang pagharap nila sa Game 2 ng NBA Finals laban sa Los Angeles Lakers matapos na dalawang manlalaro nito ang kuwestiyonableng ‘di makakapaglaro.   Nagtamo kasi ng left foot torn plantar fascia injury si Goran Dragic habang left neck strain naman ang natamo ni Bam Adebayo.   […]

  • Seal of Good Local Governance muling nakamit ng Navotas

    MULING nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinakaaasam na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), sa ikalimang pagkakataon.     Personal na tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at City Administrator Christia Padolina, ang parangal sa Manila Hotel.     […]

  • Libreng taunang medical checkups sa lahat, isinulong

    NAIS  ng tatlong mambabatas na maglaan ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ng libreng annual medical checkups sa lahat ng mga miyembro nitoupang masiguro na makakakuha ang bawat Pilipino ng access sa preventive care at matugunan ang mga seryosong health conditions sa unang stages pa lamang.     Ayon kay Davao City Rep. Paolo Duterte, […]